Ang intelektwalisasyon ng pilosopiyang sosyo-politikal ng ilang piling mag-aaral ng senior high school sa bayan ng Malolos, Bulacan, sa liwanag ng pilosopiya ni Confucius

Date of Publication

2018

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

Subject Categories

Philosophy

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Philosophy

Thesis Adviser

Maxell C. Aranilla

Defense Panel Chair

Napoleon M. Mabaquiao, Jr.

Defense Panel Member

Lorenz Moises J. Festin
Florentino T. Timbreza
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Isidro Marinay

Abstract/Summary

Ang pananaliksi na ito ay isang paghalaw sa pundasyong pilosopikal ng mga pananaw ng ilang piling kabataang mag-aaral ng Marcelo H. del Pilar National High School sa bayan ng Malolos, Bulacan, kaugnay sa tatlong pangunahing isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan ang korupsiyon, kahirapan, at karapatang pantao. Ginamit ng may-akda ang tatlong pangunahing konsepto ng pilosopiyang sosyo-politikal ni Confucius ang mga konsepto ng Ren, Yi, at Li, upang paglapatan ng mga pananaw ng mga kabataang mag-aaral at gawing artikulado at higit na kauna-unawa ang mga ito. Sa huli ay naipakita sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na konseptong pilosopikal mula sa pananaw ng mga kabataang mag-aaral. Una, mahalaga ang ganap na pakikisangkot sa lipunan ng bawat kasapi nito. Ikalawa, mahalaga ang matuwid na pag-iral ng pamahalaan sa pagpapapanatili ng kaayusan sa lipunan. Ikatlo, ang pagkakaroon ng kaayusang panlipunan ay nakasalalay sa tapat na sistema ng pamahalaan at mulat na pakikisangkot sa mga mamamayan nito. Ikaapat, ang isang mabuting lipunan ay isang moral na lipunan. Ikalima, ang pagbababago ng lipunan ay nagsisismula sa sarili, at ang batayan ng mabuting lipunan ay ang pagkakaroon ng mabuitng sarili. Dahil dito, masasabing bagamat hindi inihahahanay ang mga kabataang mag-aaral na kabilang sa pananaliksik na ito sa mga establisado at kilalalang pilosoper sa kasaysayan, ang kanilang pananaw sa buhay at paraan ng pag-iisip kaugnay sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyan ay may pundasyong pilosopikal.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007698

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer disc; 4 3/4 in.

Keywords

Philosophy, Confucian; Political sociology--Philippines--Bulacan; Students--Political activity

This document is currently not available here.

Share

COinS