Pasada sa pagbuo ng identidad: Kuwentong buhay, kuwentong dyip ng piling mga drayber

Date of Publication

2018

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures | Transportation

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

David Michael E. San Juan
Lars Raymund C. Ubaldo
Aurora E. Batnag

Abstract/Summary

Tinaguriang sasakyan ng masa ang dyip sa Pilipinas. Mula nang pahabain ng mga Pilipino ang mga maiiksing military jeep na mula sa mga Amerikano noong Ikalawang Digmaang pandaigdig, naging patok na ito sa mga pasahero sa loob ng bansa.. Ito ang siyang naging pangunahing transportasyon ng mga tao sa bansa na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa ring umaarangkada at tinatangkilik.
Tunay na maraming pag-aaral ukol sa simbolismong kultural ng dyip sa bansa at maging ang kasaysayang sa likod ng uri ng transportasyong ito. Gayunpaman, dapat isaalang-alang ang mga nasa likod ng manibela, ang mga drayber. Bunga ng patuloy na modernisasyon at pagsusulong na matigil ang pagpapasada ng mga nakasanayang dyip sa lansangan, ang mga drayber ng dyip ang direktang maaapektuhan nito.
Ang pag-aaral na ito ay paglalahad sa pagbuo ng kolektibong identidad ng mga piling drayber ng dyip. Kumalap ng kuwentong buhay ang mananaliksik sa labing-anim na drayber upang makita at madanas ang kanilang araw-araw na karanasan sa iba't ibang espasyo na kanilang napiling pasadahan. Gamit ang konsepto ng sites of interaction ni Anthony Giddens, sinuri ang kuwentong buhay at naratibo ng mga piling drayber bilang resulta ng laganap at sarisaring pakikipag-ugnayan sa lipunan at espasyong kinabibilangan. Sa pangkalahatan, napatunayan na nabubuo ang kolektibong identidad ng mga drayber ng dyip buhat sa kanilang relasyon sa pasahero, kapwa drayber, opereytor, mekaniko at awtoridad. Gayundin sa antas ng ekonomiya, politika, mga aspirasyon, at mga espasyong ginagalawan ng mga drayber ng dyip. Nabuo ang teorya ng pasada na nagtatampok sa nabubuong identidad ng mga drayber na kinapapalooban ng kuwentong buhay at kuwentong dyip na mula sa iba't ibang pisikal na espasyo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007641

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer disc; 4 3/4 in.

Keywords

Motor vehicle drivers--Philippines; Automobile drivers--Psychology; Transportation--Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS