Pagma-marikit-na!: Esensiyal na mga elemento sa pagmamapang etnokultural-historikal

Date of Publication

2016

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

David Michael M. San Juan

Defense Panel Chair

Fiorillo Petronillo A. Demeterio, III

Defense Panel Member

Rhoderick V. Nuncio
Lars Raymund C. Ubaldo
Teresita F. Fortunato
Rowell D. Madula

Abstract/Summary

Bawat danas ng mga mamamayan ng isang puod o teritoryo ay bunga ng mga panlipunang penomena na lumikha ng espasyong etnokultural-historikal na maaaring mahinuha sa pamamagitan ng metapora ng mito-ilustratibo-naratibo o ilustratibo-naratibo na abstraktong nakapaloob sa isa o mga representasiyong maaaring nasa kategoryang iconic o simbolikal. Ang mga ito ang nagsisilbing tundos (point of reference) ng kasalukuyan upang makatawid pabalik sa kahapon nang kinapapaloobang teritoryo o heyograpiyang pisikal, sa gayon ay patuloy na malilikha ang kolektibong memoryang panlipunan sa pamamagitan ng mga abstrakto subalit dinamikong pakikipagtalastasan ng mga representasiyong pambayan/panlipunang sa diwa ng bayan. Paniniwalang nagbukas ng landas at mga ideya na gumiya sa naging tuon ng pag-aaral na may titulong Pagma-Marikit-Na!: Esensiyal na mga Elemento sa Pagmamapang Etnokultural-Historikal na naglalayong masaluysoy at maimapa ang etnokultural-historikal na kalagayan ng Marikina, na ang sentrong representasiyon ay si Marikit. Tinuhog sa pamamagitan ng sentral na representasiyon ang koneksiyong etnokultural-historikal sa pamamagitan ng mga elementong kaugnay nito na abstraktong nakahulagway sa mito-naratibo-ilustratibo o naratibo-ilustratibong metapora ng mga icon at simbulong Marikeño na nangsisilbing mga representasiyong pamabayan/panlipunan ng kultural at historikal na espasyo ng Lungsod ng Marikina. Nakatuntong sa nabuong teoryang Pagma-Mamarikit-Na! ang kabuuang sipat ng pag-aaral na kagiya sa konseptong “mula gitna patungo sa mga gilid mula sa mga gilid pabalik sa gitna lilitaw ang Marikina-Marikenong Identidad. Pananalig na gumuhit ng mapang etnokultural-historikal ng puod o teritoryong Marikeno mula pre-koloniyal, koloniyal, post-koloniyal at hanggang sa kasalukuyan.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Accession Number

CDTG006710

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer optical disc; 4 3/4 in

Keywords

Ethnohistory--Philippines--Marikina; Civilization—History

Upload Full Text

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS