K-u-l-t-u-r-a sa diskurso ng disaster : tinig-danas at likas-kaya ng mga bata sa problema ng pagbaha

Date of Publication

2016

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Arts in Language and Literature Major in Filipino

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Ubaldo, Lars Raymund C., PhD.

Defense Panel Chair

Madula, Rowell D., PhD.

Defense Panel Member

Feorillo Petronillo A. Demeterio, II
Rhoderick V. Nuncio
Ma. Florina Orillos-Juan
Dexter B. Cayanes
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Nakatuon sa mga bata ang kultural na pag-aaral ng diskurso sa disaster partikular ang naranasang pagbaha sa kanilang lokalidad. Layunin ng pag-aaral na: (1) matukoy ang mga katangiang nagpapakita na bulnerableng kalagayan ng pook ng pag-aaral (2) mailarawan ang taglay na pananaw ng mga bata sa kanilang sarili, pamilya, at kapitbahayan (3) masuri ang angking kultura ng mga bata kaugnay ng pagbaha sa kanilang barangay at (4) maipaliwanag ang konsepto ng likas-kayang kultura ayon sa karanasan ng mga bata sa pagbaha at kinakaharap nitong mga hamon sa pamayanan. Sa pag-aaral, gumamit ng metodong etnograpik na may iba’t ibang teknik sa pagkalap ng datos kwaliteytiv na tinalakay sa pamamagitan ng content analysis at cross referencing nagsagawa rin ng sarbey sa sosyo-ekonomikong kalagayan ng sambahayan at inorganisa ang datos kwantiteytiv sa tulong ng descriptive statistics. Mayroong humigit-kumulang 36 batang kalahok sa pag-aaral na may permiso mula sa kanilang magulang o malapit na kamag-anak. Isinagawa ang pagkalap ng datos noong Enero-Mayo 2016 sa Brgy. Tagumpay, Bay, Laguna. Nakatulong bilang gabay balangkas ang Sustainable Livelihood Approach ng DFID (1999), Teoryang Schema ni Piaget (1952), modelong mnemonic ng K-U-L-T-U-R-A ni Jumaquio-Ardales (2015), at Three-Role Framework ng COST Action (2015) para sa pagtalakay-suri ng karanasan ng mga bata sa panahon ng disaster sa konteksto ng likas-kayang pag-unlad o sustainable development. Sa pangkalahatan, natuklasan sa pag-aaral ang pagpapahalaga ng mga bata sa kanilang bahay tirahan, pagiging biswal sa paglalarawan at pagtataya ng mga nangyayari sa kapaligiran at kapangyarihan ng naratibo ng karanasan ng mga tao upang maitawid ang konsepto ng likas-kayang kultura o LKK sa araling Filipino.

Abstract Format

html

Note

Kultura sa diskurso ng disaster

Format

Electronic

Accession Number

CDTG006907

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Keywords

Child disaster victims -- Philippines -- Laguna.; Floods -- Philippines -- Laguna.

This document is currently not available here.

Share

COinS