Date of Publication

2020

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Chair

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Member

Rowell D. Madula
Lars Raymund C. Ubaldo
Jimmuel C. Naval
Dolores R. Taylan

Abstract/Summary

Isang pampook na pag-aaral sa kultura ang tuon ng disertasyon na ito. Dahil sa nagiging anyo ng papuri at pagdiriwang ng mga bayan at lungsod sa Pilipinas ang pagtatanghal ng sariling festival, siniyasat ng pag-aaral kung paano naging lunduyan ang dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival upang makilala ang pagbubuklod, kultura, at identidad ng bayan ng Llanera at kung paano nakatulong ang festival sa kaakuhan ng kabayanihan ng mamamayan Sa pamamagitan ng Lapit Historikal at Balangkas ng Dulambayan, nasagot ang mga sumusunod na katanungan: a) Anoano ang mga daynamiks, interaksyon, pagbabago at salik na nakatutulong at nakaaapekto sa kasalukuyang estruktura ng pagdiriwang ng dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival bilang identidad / kaakuhan ng kabayanihan ng mga Llanerano? b) Ano-ano ang mga danas at saloobin ng mga kalahok sa pagsasagawa ng dulansangan? c) Anong identidad ng mga Llanerano ang napagyaman at naitanghal ng dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival bilang isang pagdiriwang na nagtatanghal sa dula ng kabayanihan? at d) Paano nakatulong ang dulansangan sa selebrasyon ng Banuar A Mannalon Festival sa kaakuhan ng identidad ng mga Llanerano?

Sa pamamagitan ng pagbuo at pagtatanghal ng dulang nakaangkla sa kasaysayan at kultura, nagkahugis at nagka-anyo ang dulansangan bilang isang pampook na kaakuhan at identidad ng kabayanihan ng mga Llanerano. Itinangi ng pag-aaral na ito ang lakas at halaga ng pampook na kultura para sa pagtataguyod ng pambansang pamana.

Susing konsepto: festival, kasaysayan, kultura, kabayanihan, kaakuhan, identidad

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

x, 321 leaves

Keywords

Festivals; Civilization—History

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-7-2022

Share

COinS