Date of Publication

5-2020

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Chair

Feorillo Petronillo A. Demeterio, III

Defense Panel Member

Raquel E. Sison-Buban
Jimmuel C. Naval
John Iremil E. Teodoro
Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Mahalaga ang papel ng panitikan sa pagbuo ng konsepto ng bayan ng isang lugar o rehiyon tungo sa kalinangang bayan na mayroon ito lalo na ang mga kuwentong-bayan na hindi nabibigyang halaga bilang bahagi ng isang pananaliksik sa mundo ng akademya. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magbibigay-halaga sa katuturan at papel ng mga kuwentong-bayan ng Camarines Norte bilang isang bayan na salamin ng mayamang kultura at kasaysayan. Ang halaga ng mga kuwentong-bayan na ito ay isang gahum na magsisilbing gamot sa nanganganib na pagkawala at pagkalimot ng mga tao sa kanilang lokal na tradisyon at pagkakakilanlan dahil sa globalisasyon at mabilis na pag-unlad ng ating teknolohiya. Ang mga ito ay karaniwang may mga tagpuan at pangyayari na noong unang panahon pa naganap at hindi naluluma ang nilalaman ng mga kuwentong ito. Tinipon at sinuri sa pag-aaral na ito ang mga kuwentong-bayan ng Camarines Norte bilang repleksyon ng kanilang lokal na tradisyon at kultura bilang pag-angkla sa konsepto ng bayan sa mga ito gamit ang Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar. Ang mga kuwentong-bayan na tinipon ay nasa oral na pasalaysay ng mga mamamayan ng lalawigang ito at ang iba naman ay naipalimbag ngunit hindi nabigyang pagkakataon na mabatid at mabasa ng nakararami sapagkat naging bahagi lamang ng isang libro na nakatuon sa kabuoan ng Bikol bilang isang rehiyon.
Ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng malaking pagsandig sa “Method of Philippines Folklore Investigation” ni E. Arsenio Manuel mula sa kanyang aklat na Guide for the Study of Philippine Folklore (1985) at katuwang sa pangangalap ng datos ang pakikipanayam sa paraang pakikipagkuwentuhan. Ang metodong ito ay bahagi ng katutubong pananaliksik na may layuning makakuha ng mga datos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng opinyon, ideya, impormasyon, pananaw, paniniwala at mga karanasan. Ginamit din ang Border Studies sa pag-aaral na ito upang masuri ang kahalagahan ng mga hangganan sa patuloy na pagtagos ng mga kuwentong-bayan sa ibang bayan ng Camarines Norte. Ang mga kuwentong-bayan ay mahalagang sangkap upang mabuo ang pagkakakilanlan ng isang bayan. Hindi naging malaking hadlang sap ag-aaral na ito ang mga hangganan ng bawat bayan upang hindi patuloy na tumagos ang mga kuwentong-bayan sa ilang bayan ng Camarines Norte na bunga na rin marahil ng migrasyon. Ang bayan ay ang tao at ang tao ay ang bayan, kapag nawala ang esensya ng isa ay hindi na magiging balanse ang harmonya ng mga ito sa isa’t isa. Ang mga kaalamang-bayan na mayroon tayo simula noon hanggang sa kasalukuyan ay nakaugat sa bayan na ating pinagmulan.

Susing Konsepto: Kuwentong Bayan, Panitikan, Bayan, Camarines Norte, Bikol

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

303 leaves

Keywords

Tales--Philippines--Camarines Norte; Literature

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-5-2022

Share

COinS