Date of Publication
5-2020
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Roberto E. Javier
David Michael M. San Juan
Rodrigo D. Abenes
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Ang mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pakikipagkapwa ay ugat din ng pagnanatili ng mga gawaing may kaugnayan sa pangungutang at pagpapautang sa lipunan. Sa kasalukuyang pag-aaral, inilihad ang naging halaga ng pakikipagkapwa sa konteksto ng utang batay sa naging danas ng mga kalahok. Upang ilarawan ang mga antas ng ugnayan at maging ang kalooban, kaisipan, pananaw at kaugalian ng mga kalahok kaugnay ng usapin ng utang, sinimulan ang pag-aaral sa pagdalumat sa konsepto ng utang. Sa pagdalumat, inilahad ang intralingual at interlingual na salin ng salitang utang. Kinalap din ang lahat ng mga babasahin, mga pag-aaral, at iba pang akdang may kaugnayan sa pagpapalalim ng konseptong ito. Naging, mayaman din ang nakalap na datos ng mananaliksik batay sa kanyang pakikipanayam sa tatlumpong kalahok mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na may malawak na danas sa gawain ng pangungutang o pagpapautang. Gamit ang konsepto ng loob ni Albert Alejo, sinuri ang naratibo ng mga kalahok upang ilarawan ang kalooban, kaisipan, pananaw at kaugalian kaugnay ng utang. Batay sa resulta, naipakita ang pagiging matatag sa paggamit ng konsepto ng utang sa lipunang Pilipino batay sa dalumat nito. Bunga ito ng malakas na kaisipan ng pagpapahalaga sa pakikipagkapwa maging sa gawain ng pangungutang. Kaugnay nito ang mga kaugaliang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng kapwa gaya ng pagtulong sa mga nasa gipit na kalagayan, pagkakaroon ng hiya, pag-unawa at pagkapa sa kalagayan ng kapwa, mataas na antas ng pakikiramdan, at pagtanaw ng utang na loob. Ang pangungutang at pagpapautang ay pakikipagkapwa. Ang pagsasaalang-alang sa kalooban ng kapwa sa gawain ng utang ay pagpapakita ng pakikipagkapwa. Sa kabilang banda, walang pakikipagkapwa ang pagpapautang ng malalaking korporasyon sa mga mahihirap na mamamayan kung ang tanging layunin ng mga ito ay pagkakitaan ang mga mahihina na nangangailangan. Kaugnay nito, maaaring magbunga ito ng pagmamanimula, panlalamang, at panggigipit sa kapwa na wala ng pagpipiilan maliban sa pagungutang dala ng napakaraming hamon at pangangailangang pinansyal na dapat tugunan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
701 leaves
Keywords
Credit; Debt; Loans
Recommended Citation
Aleta, E. U. (2020). Ang pagsasaalang-alang sa kalooban: Lalim, laman at lawak ng pakikipag-ugnayan sa loob ng pangungutang. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1377
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-5-2022