Date of Publication
2003
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Philosophy in Filipino Major in Language and Literature (Ladderized)
Subject Categories
Language and Literacy Education
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Abstract/Summary
Batay sa resulta ng pag-aaral na ito, napatunayan ng risertser na ang retrival ay isang malaking tulong para sa muling 'pagbuhay' ng isang mahalagang manunulat gayundin ng kanyang mga akda. Napatunayan din na may mga pagkakataong maaaring magamit ng isang risertser ang sistemang retrival nang walang anumang teoryang gumagabay sa kanya. Ang mahalaga ay malinaw ang kanyang layunin at may tiyak siyang prosesong ginagamit sa pagreretriv. Sapat na ito upang maging matagumpay ang retrival na isinasagawa. Gayundin naman, ang teorya ay maaaring mabuo habang nasa aktwal na proseso siya pagreretriv o kaya'y pagkatapos na mismo ng retrival na ibabatay sa pinagdaanang karanasan tulad ng dinanas ng risertser sa pag-aaral na ito.
Sa pagtugon ng pag-aaral na ito sa hamon ng kritikong si Reyes na maipakilalang muli si Labog at ang kanyang mga akda ay napunan ang kakulangan, kundi man ang kawalan ng mga mababasang kuwentong Tagalog na isinulat ng mga babaeng manunulat.
Ang pagsaantolohiya ng kanyang mga kuwento ay magbibigay-daan sa pagpapahalaga sa talino at kahusayan ng mga babaeng manunulat sa Tagalog. Pupukawin nito ang interes ng mga risertser na pag-ukulan ng pansin at pag-aaral ang iba pang akda ng mga babaeng manunulat at maipagpatuloy ang pagsaantolohiya sa kanila upang higit pang mapayaman ang kaban ng literaturang Tagalog.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG003530
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in.
Keywords
Creative writing; Filipinos in literature; Tagalog literature
Recommended Citation
Taylan, D. R. (2003). Apat na dekada ng pangangatha ni Hilaria Labog. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1367
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
2-9-2022