Date of Publication

2006

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Fine Arts in Creative Writing

Subject Categories

Creative Writing

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Thesis Adviser

Isagani R. Cruz

Defense Panel Member

Bienvenido Lumbera
Jose Y. Dalisay
Cirilo F. Baustista
Nicanor G. Tiongson
Ruth Elynia S. Mabanglo

Abstract/Summary

Tatlong panahon, tatlong dula. Nagrerepresenta ng isang yugto ang bawat isang dula sa pagtatangka kong mahagip ang kuwento ng Mindanao. Itinakda ang mga dulang ito sa piling panahon ng masilakbong kasaysayan ng isla, isang kasaysayan hinubog ng pabagu-bagong pagsasanib ng mga elemento at tunggalian ng mga kultura at interes. Nagtagpo ang mga mamamayang pinagkaisa ng lupain at ng kanilang pina-ugatang kultura, at matapos ay hinarap ang isa’t isa. Ang usapin ng pangangamkam ng lupa, pag-aalsa, paglilipat katapatan o pananraydor, at kaibahan ng kultura ang mga bakgrawnd ng trilohiya. Pero sa halip na itanghal ang mga dula bilang representante ng kasaysayan ng Mindanao – na talaga namang hindi, isinasaysay ng mga dula ang aking debelopment bilang mandudula at isinasalamin ng mga ito ang kontemporaryong teatro ng Mindanao at pag yabong ng literatura. Reperensya ang tatlong likhang-sining ng bahagi ng tipo ng teatro sa Mindano – yaong mga grupo nagtatanghal ng repertoire ng nilikhang produksyon para sa manonood. x v i Isinaalang-alang at ginagaygay ng mga likhang-sining na ito ang isang tunguhin sa huling tatlumpung taon, kaagapay ng debelopment ng pagsasadula at produksyon sa Mindanao. Binuo ko ang mga dula sa serye ng mga aktibiting panteatro kinilala bilang isa sa mga pinakaaktibong kilusang panteatro sa bansa.

Abstract Format

html

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004747

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

xvi, 432 ; 28 cm.

Keywords

Mindanao drama; Philippines--Drama; Drama

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS