Date of Publication
8-2013
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Teresita F. Fortunato
Defense Panel Member
Lakangiting C.Garcia
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Maria Fe E. Gannaban
Jose Rhommel B. Hernandez
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa wika at kultura, gawi/tradisyon at pamumuhay ng mga Ayta sa Baranggay Tongko, Tayabas Quezon mula kapanganakan hanggang kamatayan. Ginamitan ng manunulat ng etnograpikong pamamaraan ng pag-aaral, gamit ang paunang pamamahagi at pagpapasagot ng talatanungan, personal na pagtatanong, pakikipamahay at pakikihalubilo sa mga katutubo. Ang lahat ng mga katanungan ay inihanap ng kasagutan sa pamamagitan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik ng manunulat. Natuklasan ng manunulat na napapanatili pa rin ng mga Ayta sa Baranggay Tongko, Tayabas, Quezon ang ilang mga kultura/tradisyon, kagaya sa pagbubuntis at panganganak, Naniniwala sila na nasa sinapupunan pa lang ang sanggol, kailangang protektahan na ito sa pamamagitan ng kanilang mga paniniwalang kinagisnan. Lalo na sa mga pagkain na dapat iwasan upang walang mangyaring masama habang nasa sinapupunan pa lang ang sanggol.. Sa pagpapalaki at pag-aalaga ng mga anak, ang mga katutubong Ayta sa Quezon ay mapagmahal. Mahalaga sa kanila ang pagpapasuso ng anak habang lumalaki ito. Tradisyon na nila na laging kasama ang mga anak, saan man sila dumako. Kahit pa nahihirapang bitbitin ang kanilang anak, di nila alintana ang hirap. Dala nila ang anak, gamit ang tela na ibinabalot sa anak, itinatali sa kanilang bewang na nakapulupot diretso sa balikat. Naniniwala rin sila na mahalagang mayroong suot na onton (pulseras) na yari sa buto ng halamang-gubat ang mga anak nila upang makaiwas sa masamang-bati.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005440
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
175 leaves
Keywords
Aeta (Philippine people)—Social life and customs; Childbirth—Philippines—Tayabas (Quezon Province)—Folklore; Pregnancy—Philippines—Tayabas (Quezon Province)—Folklore
Recommended Citation
Garcia, E. M. (2013). Ang wika at kultura ng mga Ayta sa Baranggay Tongko, Tayabas, Quezon mula kapanganakan hanggang kamatayan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1274
Upload Full Text
wf_yes