Penomenon ng paghihiganti

Date of Publication

1997

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa penomeno ng paghihiganti. Nilalayon ng papel na ito na mapag-alaman kung ano ang mga karanasang kaugnay sa paghihiganti, ang pagpapakahulugan ng paghihiganti, ang mga sanhi ng paghihiganti, anu-anong mga pamamaraan upang makapaghiganti, ang nararamdaman matapos makapaghiganti at ano ang mga paghahambing at pagkakahalintulad ng paghihiganti sa mga bata, adolescent at adult. Ang disenyo ng pag-aaral ay eksploratoryo na kung saan ay ilalarawan sa pag-aaral ang iba't-ibang sanhi at pamamaraan ng paghihiganti. Tigtatlong grupo ng mga kalahok bawat yugto ang nakasama sa pag-aaral. Ang una, ang mga labinlimang bata at ilang mga adolescent ay nagmula sa Flos Carmeli Institution. Ikalawa, ang ibang adolescent naman ay mula sa mga komunidad ng Cainta at Lungsod Quezon. Ang mga matatanda naman ay mga manggagawa sa Universal Robina Corporation sa Lungsod Pasig. Gumamit ng metodong pakikipagkwentuhan upang malikom ang mga datos. Matapos ito makuha, ang mga datos ay isinuri at ikinategorya. Nagkaroon ng apat na kategorya para sa sanhi ng paghihiganti. Ito ay ang kung sila ay nabigo, napahiya, nagselos at nasaktan ang pangangatawan. Nakabuo rin ng apat na kategorya para sa pamamaraan ng paghihiganti. Ito ay ang paraang pisikal, pagbitiw ng salita, pagputol ng komunikasyon at ang paghihiganti sa isip. Napag-alaman din na ang kahulugan ng paghihiganti sa kanila ay isang reaksyon sa galit na dulot ng pagkabigo, pagkahiya, pagselos at pananakit sa kanilang pangangatawan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07758

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

93 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Revenge; Emotions; Adolescence

This document is currently not available here.

Share

COinS