Ang pagbuo, pagtantiya ng katapatan at katatagan, at pagkuha ng pamantayan ng panukat na magpapakilala ng pagkalalaki at pagkababae ng mga kolehiyong mag-aaral sa kalakhang Maynila
Date of Publication
1994
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang Panukat ng Pagkalalaki at Pagkababae (PPP) ay isang panukat ng katauhan na naglalayong tantiyahin ang pagkalalaki at pagkababae ng mga Kolehiyong mag-aaral sa Kalakhang Maynila. Apat na eksperto sa paksang sex role ang naging kalahok sa ginabayang talakayan. Ito ang naging pangunahing batayan ng pagsulat ng mga aytem. Gumamit din ng sarbey at pinagbalik-aralan ang mga literatura para sa karagdagan pang mga katangian. Sa pamamagitan ng mga ito nabuo ang inisyal na kalipunan ng mga aytem na 173 na nasa anyong sitwasyon para sa unang porma ng panukat.Ang nasabing mga aytem ay sumailalim sa dalawang yugto ng pagbabalik-aral. Dahil dito, naging 94 na lamang ang bilang ng mga aytem na ginamit sa pangunahing pagsubok na kinabilangan ng 140 na mga kolehiyong mag-aaral sa Kalakhang Maynila na may gulang na 16-22. Pagkatapos ay sumailalim ang mga aytem na ito sa Q sorting upang malaman ang mga aspetong kinabibilangan ng mga aytem.Dahil sa mababa ang katatagang nakuha matapos ang Q sorting ipinasya ng mga mananaliksik na sumailalim orihinal na 94 na aytem sa analisis ng mga aytem sa pamamagitan ng paggamit ng item-remaining correlation at pagkuha ng katatagan sa pamamagitan ng coefficient alpha. Ang mga aytem ay nahati sa sampung aspeto. Isinakatuparan din ang pagsusuri ng saligan na siyang magiging batayan ng katapatan ng panukat na ito. Bunga nito, nakalap ang 10 na saligan subalit 8 lamang ang tinanggap sapagkat ito lamang ang nakapasa sa batayang itinakda ng mga mananaliksik. Ang mga saligan ay ang sumusunod: [1] Kaasalan Kapag Kasama ang Barkada o Pamilya, [2] Pakikiramdam sa Pakikipag-ugnayan, [3] Tiwala sa Sarili at Kapanatagan ng Loob, [4] Pagtitimpi o Pagpipigil sa Sarili, [5] Pakikitungo sa Kaasalan ng Kaibigan o Kasamahan, [6] Kakayahang Dalhin ang Pangangailangan ng Sitwasyon, [7] Pagkamaramdamin at Pagkamahiyain, at [8] Panlabas na Kaanyuan. Sa kabuuan ang panukat ay binuo ng 22 na aytem. Kinuha ang pamantayan sa pamamagitan ng pagtatatag ng ranggong pamahagdan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06833
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
154 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Psychometrics; Masculinity (Psychology); Femininity (Psychology); Women--Psychology; Men--Psychology; College students
Recommended Citation
Chuaunsu, M. T., Talento, M. S., & Tanghal, J. P. (1994). Ang pagbuo, pagtantiya ng katapatan at katatagan, at pagkuha ng pamantayan ng panukat na magpapakilala ng pagkalalaki at pagkababae ng mga kolehiyong mag-aaral sa kalakhang Maynila. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9808