Ang mga paniniwala, mga damdamin (positibo at negatibo), mga inaasahan sa pamilya at lipunan ng mga babaing may-asawa bago mabuntis, habang buntis (una, pangalawa, at pangatlong trimestre), at pagkatapos manganak

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Isang eksploratoryong pananaliksik ang ginawa hinggil sa pagbubuntis at ang pokus ng pag-aaral ay ang mga paniniwala, mga damdamin, inaasahan sa pamilya at lipunang ginagalawan ng mga babaing may-asawa ukol sa pagbubuntis. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga babaing may asawa na nagpapakonsulta, kasalukuyang buntis na nasa una, ikalawa at ikatlong trimestre ng pagbubuntis at mga katatapos manganak. Non-probability sampling ang ginamit kung kaya ang limampung (50) kalahok ay nagmula sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital lamang. Ang paglilipon ng datos ay naisagawa sa pamamagitan ng malalimang interbyu na batay sa ginawang gabay. Ang nakuhang datos ay ginawa ng klasipikasyon ayon sa kanyang pagkakaugnay-ugnay. Sinuri ito sa pamamagitan ng pagbilang ng dalas ng mga sagot ng mga kalahok.Sa pagprogreso ng mga babae sa kanilang pagbubuntis, mapapansin na sa kategoryang katatapos pa lamang manganak ay makikitaan siya ng higit na nakararaming paniniwala. Maging sa kanilang damdamin, nangingibabaw ang pagka-positibo ng mga ito. Higit na nakararami rin ang kanilang inaasahan sa lipunan at ang mga damdamin ukol dito. Ang mga ito ay nakasalalay sa magiging tugon ng lipunan. Sa kategoryang una at ikalawang trimestre ng pagbubuntis, lumitaw na higit na nakararami ang kanilang negatibong damdamin ngunit ang kategoryang unang trimestre ng pagbubuntis lamang ang mas maraming inaasahan sa kanyang pamilya. Samakatuwid, sa bawat kategorya ay may paniniwala ngunit higit nga lamang nakakararami ang kategoryang katatapos lamang manganak. Maging sa kanilang damdamin na positibo at ang kanilang inaasahan sa lipunan. Negatibo ang damdamin ng mga nasa kategoryang una at ikalawang trimestre ng pagbubuntis kung kaya't mas marami rin ang inaasahan sa kanilang pamilya.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06813

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

127 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Pregnant women; Married women; Pregnancy--Psychological aspects; Women--Psychology; Family

This document is currently not available here.

Share

COinS