Programang pagsasanay upang mapabuti ang pagpapahalaga at pagtingin ng mga babaeng pulis sa kanilang trabaho
Date of Publication
1994
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makagawa ng programang pagsasanay para sa mga babaeng pulis na makakatulong sa pagdedebelop ng pagpapahalaga (values) at positibong pagtingin nila sa kanilang trabaho. Ang pagsusuri ng pangangailangan ay ginawa sa pamamagitan ng patanong-tanong at sa pagsusuri ng literature tungkol sa values . Base sa pangangailangan na ito ay nagdebelop ng programa para sa mga babaeng pulis. Ang nakilahok sa programa ay 24 na babaeng pulis ng Philippine National Police (PNP) sa may Kampo Krame. Nagsagawa ng pre-test at post-test upang malaman kung epektibo ang nagawang programa. Ang test na ginamit dito ay ang Filipino Work Values Scale na ginawa ni V.M. Cervera noong 1987. Ayon sa resulta ng test ay makikita na epektibo ang programa dahil sa pagtaas ng kanilang iskor mula pre-test hanggang post-test. Pagkatapos itong maisagawa ay ipinaebalweyt naman ito sa mga kalahok. Ito ay mahalaga dahil dito nakikita ang ayos ng pagkagawa ng programa, ang pagiging epektibo nito at kung natamo ang layunin nito. Ang naging resulta nito ay kanais-nais dahil naibigan ng mga kalahok ang programang isinagawa. Ayon sa kanila, ito ay nakapukaw sa kanilang interes at ito ay magagamit nila sa kanilang pang araw araw na gawain.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06333
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
110 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Police women; Occupational training; Occupational values inventory; Values--Testing; x2 Manpower training programs
Recommended Citation
Layug, L., Santillan, J., & Sy, J. (1994). Programang pagsasanay upang mapabuti ang pagpapahalaga at pagtingin ng mga babaeng pulis sa kanilang trabaho. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9664