Mga katangian ng kapaligiran na nakakahimok at nakakabawas ng istres sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng De La Salle
Date of Publication
1994
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga pisikal at sosyal na katangian ng kapaligiran ng Pamantasan ng De La Salle na nakakahimok at nakakabawas ng istres sa mga mag-aaral. Isang sarbey at panukat ng personalidad, ang Eysenck Personality Inventory, ang ginamit upang makuha ang datos. Dalawang daan at walumpu't isang (281) mag-aaral mula sa anim na kolehiyo ang naging kalahok ng pag-aaral. Ayon sa resulta, lumalabas na ang pangunahing katangian ng pisikal na kapaligiran na nakakahimok ng istres ay ang usok mula sa sasakyan at sigarilyo, pagiging okupado ng daan at kakulangan ng pasilidad tulad ng lamesa at libro. Sa kabilang dako, ang mga katangian ng pisikal na kapaligiran na nakakabawas ng istres ay ang pagkakaroon ng tahimik na lugar, on-line systtem sa aklatan, xerox sa bawat palapag ng gusali, tubig sa fountain at pagpapatayo ng tambayan. Ang mga katangian naman ng sosyal na kapaligiran na nakakahimok ng istres ay maihahanay lahat sa propesor. Kabilang dito ang pagbibigay ng mahirap at di inaasahang pagsusulit, kapag wala sa libro ang lektyur, kapag hindi klaro ang paliwanag at ang pagiging mahigpit ng propesor. Alinsunod dito, ang mga katangian naman ng sosyal na kapaligiran na nakakabawas ng istres ay ang pagbibigay ng propesor ng aplikasyon sa lektyur, pagkakaroon ng panahon nito sa mga mag-aaral, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan at pagkakaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan sa loob at labas ng klase.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06792
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
139 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Stress (Psychology); De La Salle University-- Students; Personality; Environmental psychology; College environment
Recommended Citation
Abola, K., Isidro, M. L., & Soliman, P. (1994). Mga katangian ng kapaligiran na nakakahimok at nakakabawas ng istres sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng De La Salle. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9073