Ang konsepto ng pagkalumbay ng mga Pilipinong nasa gitnang gulang

Date of Publication

1993

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid at mailarawan ang konsepto ng pagkalumbay ng mga lalaki at babaeng Pilipinong nasa gitnang gulang (35-55). Mga babae at lalaking may edad 35-55 ang mga naging kalahok. Kasama rito ang pagbatid ng mga kahulugan, sanhi, manipestasyon, at pamamaraan ng pag-aagapay ng mga kalahok sa pagkalumbay. Pagagalugad-paglalarawan (exploratory-descriptive) ang disenyo ng pananaliksik na ito. Dalawang metodo ang ginamit upang maisakatuparan ang layuning ibinigay dito-ang katutubong pamamaraan ng pakikipagkuwentuhan at sarbey. Sa pakikipagkuwentuhan labing pito (17) ang naging kalahok at pawang nagmula lahat sa San Nicolas, Hagonoy, Bulakan kung saan ginamit ang convenience sampling sa pagpili ng lugar. Isangdaan (100) na kalahok naman sa sarbey ang nagmula sa apat na iba't-ibang lunan Tarlac, Tarlac: Meycauayan, Bulakan. Ang mga aytem sa palatanungan ay binase sa mga datos na nalikom mula sa pakikipagkuwentuhan. Sa pagpili ng mga naturang lugar, convenience sampling ang ginamit sa pakikipagkuwentuhan at sarbey. Sa pagpili naman ng mga kalahok sa parehong metodo, ginamit ang purposive sampling . Sumailalim sa content analysis ang mga datos na nalikom sa pakikipagkuwentuhan at naging malaking bahagi ang sariling pagpasiya ng mga mananaliksik. Ginawan naman ng Frequency count ang mga datos mula sa sarbey upang mas madaling masuri. Napag-alaman sa pamamagitan ng kasagutan ng mga kalahok na ang karaniwang kahulugan ng kalumbayan ay kalungkutan.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU05951

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[94] leaves ; Computer print-out.

Keywords

Middle age; Loneliness; Personality assessment; Emotions

This document is currently not available here.

Share

COinS