Kidnaping: Isang pag-aaral sa paraan ng pagdadala ng sitwasyon ng mga biktima
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Hanggang sa kasalukuyan, laganap pa rin ang krimen na kidnaping. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyang-linaw ang paraan ng pagdadala ng sitwasyon ng mga biktima ng kidnaping. Binigyang kasagutan ng mga mananaliksik ang katanungan: sa krimen na pagkidnap, ano ang naging paraan ng pagdadala ng sitwasyon ng mga naging biktima nito. Ang disenyo ng pananaliksik ay descriptive exploratory. Ang ginamit na metodo ay ang single-case design replicated six times, kung saan kinapanayam ang anim na kalahok at sila ay sumagot ng isang panukat tungkol sa kanilang mga kasalukuyang problema na kaugnay sa pagkidnap sa kanila. Ang mga kalahok ay nanggaling sa Kalakhang Maynila at nakidnap mula taong 1994 hanggang 1996. Ang ginamit na paraan sa pagkuha ng kalahok ay ang nonprobability chain referral. Sinuri ang datos sa pamamagitan ng metodong cross-case analysis. Kinuha ang mga magkakatulad at kakaibang tugon kung saan ginamit ang tema bilang yunit ng pag-aanalisa. Lumabas sa resulta na: karamihan sa mga kalahok ay patuloy pa ring nangangamba sa kanilang kaligtasan, mayroong naging mas malapit sa diyos at sa mga kaso na nasa bingid na ng kamatayan ang biktima ay nagkakaroon ng kakaibang pangyayari na pagkita sa kanilang mga anghel. Nalaman din ang kahalagahan ng suportang sosyal sa pagdadala ng sitwasyon ng biktima matapos ang pagkidnap. Pagkalipas ng panahon, naging positibo na ang kanilang pananaw sa buhay. Maliban pa dito nalaman ang naiibang katangian ng personalidad ng Filipino sa pagdadala ng sitwasyong pagkidnap. Kapag nailagay sa sitwasyong pagkidnap, minamabuti pa ng mga Filipino na magkaroon ng mabuting pakikitungo sa mga kidnaper. Nakita rin na mayroong tipikal na lagay na dinadaanan ang mga biktima sa pagdadala ng sitwasyon. Ang mga ito ay: alarm phase, impact phase, post-traumatic phase at recovery phase. Samakatuwid, unti-unti nilang natatanggap ang pagkidnap sa kanila at naipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang buhay.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU07741
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
308 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Kidnapping; Victims of crimes; Traumatic neuroses; Post-traumatic stress disorder
Recommended Citation
Casilao, P. P., Sy, G. P., & Tinoco, L. B. (1997). Kidnaping: Isang pag-aaral sa paraan ng pagdadala ng sitwasyon ng mga biktima. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8103