Eksena sa dyipni: Mga pananaw ng dyipni drayber at pasahero tungkol sa problema sa trapik (singitan at siksikan)
Date of Publication
1992
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral ay tumutuon sa pag-aalam ng penomenong singitan at siksikan ng mga dyipni drayber at pasahero ng mga dyipni. Bukod dito, inalam din ang kaugnayan ng dalawang konseptong ito sa kulturang Pilipino. Linalarawan din ng pag-aaral ang buhay ng dyipni drayber at pasahero habang sila ay namamasada at namamasahe. Ang katutubong pamamaraan ng pananaliksik ang siyang ginamit sa pag-aaral. Ang pakikipag-palagayang loob ay pinahalagahan sa mga pakikipanayam na isinagawa. Ang mga kalahok ay maihihiwalay sa dalawang grupo, ang mga kalahok sa pagtatanong-tanong, na mangangatawan ng 50 katao, at ang mga kalahok sa malalimang talakayan na kinatawan ng 6 na tsuper at 6 na namamasahe. Ang mga ito ay nakapanayam sa paggamit ng isang gabay ng mga tanong. Ukol sa singitan at siksikan, madalas na pagkalituhan ito ng mga kalahok, at hindi mabigyan ng isang tumpak na kahulugan. Dala din sa pag-aaral na ito ang relasyon ng kulturang Pilipino sa dalawang konsepto na itong tunay na katutubo. Sa kalabasan ng resulta, ang disposisyonal at pangkalabasan na mga factors ang nagsisilbing impluwensiya sa mga kilos o gawi ng mga pasahero sa pamamasahe, at tsuper sa pamamasada.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU05783
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
123 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Jeepney; Traffic flow; Motor vehicle drivers; Transportation--Passenger traffic; City traffic; Passenger traffic
Recommended Citation
Chua, D. T., Emata, R. O., & Go, G. (1992). Eksena sa dyipni: Mga pananaw ng dyipni drayber at pasahero tungkol sa problema sa trapik (singitan at siksikan). Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8067