Creative dramatics workshop: Bilang pagtulong sa ikabibilis na paggaling ng mga sugapa sa ipinagbabawal na gamot
Date of Publication
1992
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang layunin ng pagsasagawa ng Creative Dramatics Workshop ay upang makatulong sa ikabibilis ng paggaling ng mga sugapa sa ipinagbabawal na gamot na residente sa DARE Foundation. Inasahang pagkatapos ng pagbibigay nitong limampung (50) oras na sesyon ay mapagaganda ang palagay sa sarili ng mga kalahok, tataas ang kanilang pangangailangang magkaroon ng makabuluhang relasyon sa iba, at bababa ang kanilang agresyon. Tatlumpung (30) residente ng DARE ang binigyan ng paunang pagsusulit o pretest. Batay sa resulta ay nakapili ng dalawampung (20) kalahok. Ang dalawampu ay hinati sa dalawang grupong magkapantay ang dami. Ang isang grupo ay kontrol at ang isa naman ay eksperimental. Bawat kalahok sa grupong eksperimental ay mayroong katapat sa grupong kontrol. Ito ang tinatawag na 2-matched group design. Sa gayong paraan, makikita ang pagkakaibang dulot ng Creative Dramatics Workshop sa grupong eksperimental sa muling pagsusulit o post-test.Dalawang pagsusulit ang ginamit sa pananaliksik. Ang Pasao Self-Concept ay naglayon na sumukat sa palagay sa sarili, at ang Edwards Personal Preference Schedule ay sa agresyon at pangangailangang magkaroon ng makabuluhang pakikipag-relasyon sa iba. Unang-una, tatlumpu (30) ang binigyan ng pagsusulit ng Pasao Self-Concept at Edwards Personal Preference Schedule. Sa pamamagitan ng dalawang pagsusulit na ito, nakapili ng mga pares-pares na kalahok. Dalawampu (20) ang napili. At ito na nga ang dalawampung kalahok sa pananaliksik.;"Ang estadistikang ginamit upang mapatunayan na magkatapat ang grupong kontrol at grupong eksperimental ay t-test for independent data o t-test for uncorrelated data. Sa pagkuha ng resulta ng gain scores ng dalawang grupo sa post-test ay gayon din ang ginamit.Samantala, ang t-test for correlated data ang ginamit upang makita ang makabuluhang pagkakaiba ng bawat pre-test at post-test ng bawat baryabol na nais sukatin ng mga mananaliksik."
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU05569
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
91 leaves ; Typescript
Keywords
Drama—Therapeutic use; Drug addiction—Treatment
Recommended Citation
Chua, C. T., & Ramirez, L. A. (1992). Creative dramatics workshop: Bilang pagtulong sa ikabibilis na paggaling ng mga sugapa sa ipinagbabawal na gamot. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/4005
Embargo Period
1-12-2021