Kutob: Isang pagtalakay sa proseso
Date of Publication
1998
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Naglalayon ang pag-aaral na ito na talakayin ang Kutob bilang isang karanasan sa buhay ng mga Pilipino. Isang karanasan na binuo ng kaisipan at oryentasyong Pilipino. Upang lubusang maunawaan ang kalikasan at proseso ng kutob sa konteksto ng mga Pilipino at dahil na rin sa kakulangan ng panitikan patungkol sa kutob. Nangalap ang mga mananaliksik ng mga banyagang konsepto na maaaring sabihing hawig sa kutob, tulad ng ESP (precognition, premonition at intuition). Sa ganitong pamamaraan, naging madali para sa mga mananaliksik ang ihambing ang proseso ng kutob sa mga nabanggit na banyagang konsepto. Sa kurso ng pag-aaral, maraming impormasyon ang lumitaw na hindi inaasahan ng mga mananaliksik. Lumabas ang 12 kategorya mula sa paglalarawan ng mga kalahok batay sa kanilang karanasan ng kutob. Bilang proseso ang kutob ay nahahati sa tatlong bahagi. Bago, habang at pagkatapos. Sa mga pangyayari bago kutuban ang isang tao, dito nagsisimula ang mga hindi maipaliwanag na pakiramdam bunga ng hindi maipaliwanag na pangyayari. Habang kinukutuban ang isang tao, unti-unti siyang nagtatanong kung ano ang kanyang kutob at kung bakit niya naisip o naramdaman ang kanyang kutob. Habang nagaganap ang mga ito, lalung nagiging ganap ang kaalaman ng isang tao sa kanyang kutob at sa kanyang kamalayan. Pagkatapos niyang malaman ang resulta ng kanyang pagtatanong sa isip, pagdududa o paghihinala o kutob. Tahimik niyang ipagpapatuloy ang buhay.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU08590
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 v. (various pagings) ; Computer print-out.
Keywords
Intuition (Psychology); Senses and sensation; Emotions
Recommended Citation
Amarillento, M. L., Buhay, V. P., & Chuavan, D. (1998). Kutob: Isang pagtalakay sa proseso. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8024