Ang proseso ng pagtanggap ng mga magulang sa homosekswal na anak: Isang penomenolohikal na pag-aaral
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Science in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay penomenolohikal. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay exploratoryo na ukol sa proseso ng pagtanggap ng mga magulang sa homosekswal na anak. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga reaksyon at damdamin ng magulang sa kanilang pagkakatanto na ang kanilang anak ay isang homosekswal. Kabilang din dito ang mga naisip, naramdaman at ginawa ng mga magulang. Ang mga datos na nakalap ay ginamit upang makabuo ng mga haypotesis na nauukol sa proseso ng pagtanggap ng mga magulang sa anak na homosekswal. Ang mga kalahok ay binubuo ng limang magulang ng babaeng homosekswal at limang magulang ng lalaking homosekswal. Nagmula ang mga kalahok sa iba't-ibang lugar sa Metro Manila. Gumamit din ng purposive sampling technique at chain-referral technique sa pagkuha ng mga kalahok. Ang one-on-one in-depth interview ay ginamit sa pagkalap ng datos. Ginamitan din ng case study ang pag-aaral na ito. Nalaman ng mga mananaliksik na mayroong prosesong dinadaanan ang mga magulang sa pagtanggap ng anak na homosekswal ngunit ang prosesong ito ay hindi masasabing fixed para sa lahat at hindi rin ito absolut.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07713
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
166 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Homosexuals, Male; Parental acceptance; Parent and child; Gay men; Lesbians
Recommended Citation
Gacoba, R., Quintana, D. A., & Wijesekara, C. G. (1996). Ang proseso ng pagtanggap ng mga magulang sa homosekswal na anak: Isang penomenolohikal na pag-aaral. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7961