Ang pakikipagtalastasan ng mga lalaking namamasukan sa parlor
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Science in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga salitang balbal na madalas gamitin ng mga bakla, ang kahulugan ng mga salita na ginagamit, ang pinagmulan ng mga salitang bakla at ang mga sitwasyong pinaggagamitan nito. Ang pangkalahatang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibo na ginamitan ng metodong pagtatanong-tanong. Tatlumput-apat (34) na baklang mula sa mga iba't-ibang beauty parlor ng Metro Manila ang naging bahagi ng pag-aaral na ito na pinili sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong. Napag-alaman ang mga salitang madalas gamitin ng mga bakla at ang kahulugan ng mga ito. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman, ang mga salitang bakla ay ikinategorya sa labing-pitong sitwasyon. Napag-alaman na ang ilan sa mga salitang bakla ay hinango sa iba't-ibang dayalekto habang ang iba ay mga salitang binaligtad. May mga salitang dinadagdagan ng mga letrang ch, j, s, ing, er, tsina at is at mayroon namang mga salitang inimbento at binigyang-kahulugan ng mga bakla. Ang mga salitang bakla, ano man ang kahulugan at ano man ang kanilang pinaggalingan ay sumasalamin sa isip at damdamin ng mga bakla.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07214
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
251 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Homosexuals, Male; Communication-- Psychological aspects; Filipino language--Slang; Beauty operators
Recommended Citation
Arceo, A., Cocuaco, J. T., & Lineses, J. D. (1996). Ang pakikipagtalastasan ng mga lalaking namamasukan sa parlor. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7958