Ang pikon bilang bahagi ng pagkataong Pilipino

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pikon ay isang katutubong konsepto na tumutukoy sa pagkakataon na ang isang tao ay tablan o magalit dahil sa labis na biro (Pepua, 1989). Ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng eksploratoryong pamamaraan ng pananaliksik sa nasabing konsepto. Nilalayong higit na maliwanagan ang pagkataong Pilipino sa pamamagitan ng mga konkretong konsepto na magpapatatag dito na tulad ng pikon. Ang mga kalahok ay ang mga kasapi ng isa sa tatlong uri ng organisasyon (pampaaralan, pansimbahan at sibiko), na may edad na labing-anim hanggang dalawampu't limang taong gulang (16-25). Ang lungsod ng Maynila, Kalookan at Paranaque ang pinagmulan ng tatlong uri ng organisasyon bawat isa. Ang mga instrumentong ginamit ay ang sarbey at ang katutubong metodong pagtatanong-tanong. Isang daa't walumpu (180) ang kalahok na pinasagot sa sarbey, isang daan dalawampu't anim (126) naman ang kabuuan ng pinagtanong-tanungan sa magkakahiwalay na sesyon na may humigit-kumulang sa apat hanggang sampung (4-10) katao bawat sesyon. Ayon sa resulta, ang taong pikon ay inilarawan bilang di marunong sumakay sa biro , samantalang ang pangunahing nakapagdudulot nito ay ang birong below the belt . Ang pagkapikon ay kadalasang nararamdaman sa mga taong hindi mo gusto . Ang lalake ang mas madalas na nakakapikon dahil sa kanyang kakayahang mang-asar, mang-inis o mangulit at magkubli ng kanyang damdamin ng pagkapikon sa kabilang dako, ang babae ang madaling pikunin dahil sa pagiging sensitibo nito at dahil na din sa mukha pa lang ay nahahalata na kung siya ay napipikon. Karaniwang nilalambing at inaamo ang taong napikon upang pawiin ang pagkapikon. Ang katagang may pinakamalapit na relasyon sa pikon ay ang inis. Napatunayan ding ang pikon ay bahagi ng pagkataong Pilipino dahil sa elemento ng pakikipagkapwa na nakapaloob dito - sa mga pagkakataong nagkakapikunan, may hangaring patatagin at panatilihin ang mabuting relasyon sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng damdamin nito.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU07105

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

75 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Filipino personality; Personality; Identity (Psychology); Resentment; Emotions; Character; Temperament

This document is currently not available here.

Share

COinS