Ano ba talaga? ang paggamit ng di-tuwirang pagtanggi bilang pagpapahalaga sa pakikipagkapwa

Date of Publication

1994

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito na ginawa sa Barangay Sipac-Alamacen ng Navotas, ay naglalayon na pag-aaralan ang iba't-ibang salitang ginagamit sa di-tuwirang pagtanggi. Bukod dito, inalam din sa pag-aaral na ito kung kailan, bakit at kanino ginagamit ang di-tuwirang pagtanggi. Inalam din ang mga pakiramdam ng mga gumagamit at ginagamitan ng di-tuwirang pagtanggi. Layunin din sa pag-aaral na ito na alamin ang mga naiisip ng mga taong ginagamitan ng di-tuwirang pagtanggi. Sinuri ang kamalayan ng taong gumamit at ginamitan ng di-tuwirang pagtanggi. Inalam din kung sino sa bawat baryabol na edad, kasarian at hanapbuhay ang gumagamit ng ganitong uri ng pagtanggi. Sinuri rin sa pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pakikipagkapwa at ang ugnayan nito sa pakikiramdam at pagtanggi ng di-tuwiran.Ang pag-aaral ay binuo ng tatlong daan siyamnapu't dalawang (392) katao na inayos ayon sa edad, kasarian at hanapbuhay. Gumamit ng descriptive research design ang pag-aaral na ito ay interbyu at sarbey naman ang ginamit na paraan ng pag-ipon ng datos. Gumamit ng content analysis at pagbilang kadalasan ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng datos.Nalaman mula sa pag-aaral na ang di-tuwirang pagtanggi ay ginagamit dahil sa pagkasensitibo ng mga Pilipino sa kanilang kapwa kapag sila'y gumamit at ginamitan ng di-tuwirang pagtanggi tulad ng naiintindihan ang kapwa at palagay ang loob. Anupa't lahat ay patungo sa pakikipagkapwa. sa tuwing sila ay gagamit ng ganitong uri ng pagtanggi, pinakikiramdaman muna nila ang kanilang kapwa.

Sa pamamagitan ng paggamit ng di-tuwirang pagtanggi, ang mga Pilipino ay nakikipagkapwa-tao.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU06326

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

110 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Filipino personality; Communication--Psychological aspects; Interpersonal communication; Social values

This document is currently not available here.

Share

COinS