Filipino asertibnes: Reaksyon ng mga namamasahe sa bus sa paniningit sa pila (multi-method approach)
Date of Publication
1994
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang mananaliksik ay nag-tanung-tanong ng kabuuang bilang ng pitongpu't limang (75) kalahok. Ang bawat isa ay hiningan ng kanilang opinyon ukol sa kahulugan, mga aksyon, dahilan at damdamin sa asersyon ng Pilipino. Ang asertibnes, ayon sa aming pag-aaral ay ang pagpapahayag ng nadarama o iniisip bilang ekspresyon ng ninanais ng isang tao. Nahati namin sa tatlong lebel ang mga asertib na galaw ng mga Pilipino. Una ay ang berbal na tuwirang pag-aasert kung saan ang direktang pagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pagsabi ay maoobserbahan. Ang pangalawang antas ay ang di-tuwirang berbal na pag-aasert. Napapaloob dito ang parinig, di-harap-harapang pagsabi ng kagustuhan at paggamit ng ibang tao upang maparating ang nais. Ang pinakamababang antas ay ang di-berbal na pag-aasert. Napag-alaman na ang madalas na maramdaman ng mga mag-aasert ay pagbibigay, pagtitimpi, lakas ng loob at paglaban ng karapatan.Ang eksperimento ay layong malaman ang epekto ng mga panlabas na sanhi sa asertibnes ng Pilipino. Ang baryabol na ginamit ay kasarian ng maniningit, dami ng maniningit at paraan ng pagsingit upang mapatunayan kung may epekto nga ang mga nabanggit.Gumamit ng quasi-experimental design, non-equivalent comparison group design at accidental sampling sa eksperimentong ito. Sa ginawang pag-aaral, ang kawaksi ay sumingit sa limampung (50) kalahok sa bawat baryabol na pinag-aaralan na katumbas ay isang daan at limampung (150) kalahok sa pilahan ng bus sa Makati. Mula rito, nalaman na mas aasert ang mga tao kapag tatlong tao ang maniningit. Ang isa ay maaring pagbigyan nguni't tatlo ay sobra na. Ang mga taong nabigyan ng oportunidad na mag-asert ay naipahayag ang kanilang gusto dahil nakiusap bago sumingit. Nasabi nila kung ayaw o payag silang pasingitin ang maniningit. Walang epekto ang kasarian ng maniningit sa asertibnes ng siningitan. Hindi sila aasert kung isang tao lamang-babae man o lalake.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU06814
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
91 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Assertiveness (Psychology); Filipino personality; Communication--Psychological aspects; Psycholinguistics
Recommended Citation
Chua, A., Dee, M., & Dy, E. (1994). Filipino asertibnes: Reaksyon ng mga namamasahe sa bus sa paniningit sa pila (multi-method approach). Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5963