Ang kahulugan at manipestasyon ng inggit sa pamilya ayon sa persepsiyon ng mga may-asawa sa San Pascual, Obando, Bulacan

Date of Publication

1998

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kahulugan at manipestasyon ng inggit sa pamilya. Ito ay ayon sa persepsiyon ng mga may-asawang napili mula sa San Pascual, Obando, Bulacan. Ang mga kalahok ay napili sa paraang non-probability purposive sampling, mayroong eksaktong animnapu (60) ang kanilang bilang. Isinagawa ang pagkalap ng datos sa pamamagitan ng malalimang pakikipanayam at lahat ng mga kasagutan ay isinailalim sa content analysis. Ginamitan naman ng frequency count ang mga kategoryang nabuo. Ang bawat may-asawa ay may sari-sariling kakulangan sa buhay na may kaugnayan sa pamamalakad niya ng kanyang pamilya, na nabibilang sa Hierarchy of Needs ni Maslow. Ang mga kakulangan ay nagdulot ng ikumpara ang sarili sa ibang tao, at ang pagkalamang ng ibang tao mula sa lahat ng salik ng buhay ay nagdulot ng iba't-ibang emosyon sa mga kalahok. Ang mga emosyon na ito ay napag-alaman na siya na ngang pagkadama ng inggit, at ang ibinahaging persepsiyon ng mga may-asawa ukol dito ay may positibo at negatibong bahagi. Sa pagtatapos ng pag-aaral, nalaman ng mga mananaliksik na hindi gaanong nagagambala ng manipestasyon ng inggit ng mga may-asawa ang kanyang pamilya, at madalas na ang pagkadama nito ay isinasarili na lamang.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU08633

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

138 leaves; computer print-out (photocopy)

Keywords

Envy; Jealousy; Married people; Perception; Intuition (Psychology)

This document is currently not available here.

Share

COinS