Ang penomenon ng pagseselos sa heterosekswal at homosekswal na romantikong relasyon

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Gender and Sexuality | Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ang tumutukoy sa penomenon ng pagseselos na nararanasan sa heterosekswal at homosekswal na romantikong relasyon. Nais ng pag-aaral na ito na mapalawak ang kaalaman ukol sa kognitibo, pagkilos at pandamdaming aspeto ng pagseselos. Makikita rin sa pag-aaral na ito ang pagkakaiba at pagkakapareha ng penomenon ng pagseselos sa heterosekswal at homosekswal na relasyon. Gumamit ang pag-aaral na ito ng isang metodong naglalarawan. Sarbey ang ginamit sa pag-aaral. Nabuo ang sarbey sa pamamagitan ng focus group discussion. Naging kasapi sa pag-aaral na ito ang tatlong daan at limampu't-isang mga kalahok (100 lalaki, 100 babae, 100 homosekswal na lalaki at 51 homosekswal na babae) para sumagot ng sarbey. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng pagbilang ng mga tugon at pagkakaroon ng kwalitibong na pagsusuri. Base sa pag-aaral, napag-alaman na ang penomenon ng pagseselos ay may kinalaman sa pagkakaroon ng takot na mawala ang minamahal. May mga pagkakataon na nagkapareho at nagkaiba ang mga heterosekswal at homosekswal na relasyon sa pananaw nila sa penomenon ng pagseselos.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07107

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

105 leaves; Computer print-out

Keywords

Emotions; Jealousy; Envy; Interpersonal relations; Homosexuals

This document is currently not available here.

Share

COinS