Nabingit sa bangin ng kamatayan: Isang pag-aaral sa mga biktima ng karahasan
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay ukol sa karanasan ng biktima ng nabigong pagpatay. Ang mananaliksik ay gumamit ng malalimang panayam upang matukoy ang aspetong pisikal, sosyal, sikolohikal, ispiritwal at ekonomikal ng biktima bago at pagkatapos maganap ang krimen. Bukod dito binigyang-tuon ang mga naisip, nadarama at ginawa ng biktima habang siya ay nasa bingit ng kamatayan.
Gumamit ng gabay sa panayam ang mananaliksik sa mismong panayam ng dalawampung (20) kalahok sa pag-aaral. Ang mga nakalap na datos ay sinuri sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman.
Mula sa mga kasagutan ng mga kalahok na biktima napag-alamang ang biktima ay maayos ang kalusugan bago mangyari ang krimen. Ngunit pagkatapos ng krimen may ilang nagkaroon ng sakit at hindi naging mabuti ang pagtulog nila. Sa aspetong sosyal, dumami ang kaibigan ng mga biktima at mas napalapit sa biktima. Nabawasan ang tiwala ng mga biktima at may iniiwasang ibang tao. Sa aspetong sikolohikal halos walang pagbabago sa kanilang pag-uugali. Karamihan sa kalahok ay pinananghawakan ang galit sa pamamagitan ng pagtitimpi.
Paglilibang ang karaniwang ginagawa upang maibsan ang lungkot. Kapag napapagod, nagpapahinga ang biktima. Ang lahat nang ito ay kanilang paraan upang panghawakan ang galit, lungkot at istres bago at pagkatapos maganap ang krimen. Pinahahalagahan ng mga biktima ang buhay pagkatapos mangyari ang krimen. Sa aspetong ekonomikal, halos lahat ay may pinagkikitaan bago at pagkatapos maganap ang krimen na sapat naman sa pangangailangan ng pamilya.
Sa aspetong ispritwal mas naging malapit at relihiyoso ang mga kalahok pagkatapos maganap ang krimen. Marami sa kanila ang nakaramdam ng galit at takot habang nagaganap ang krimen. Karaniwang pumasok sa isip ang Panginoon at pamilya ng mga biktima. Lumaban at tumakas ang karaniwang ginawa ng mga biktima upang makatakas sa bingit ng kamatayan. Paglilibang naman ang kanilang ginagamit na paraan upang makabangon sa krimeng naganap.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07756
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
157 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Coping behavior; Victims of crimes; Homicide; Aggression (Psychology)
Recommended Citation
Flor, R., Flordeliza, S., & Paz, F. (1997). Nabingit sa bangin ng kamatayan: Isang pag-aaral sa mga biktima ng karahasan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7137