Ebalwasyon ng 1991 at 1992 honors program sa Kolehiyo ng Malalayang Sining ng DLSU

Date of Publication

1993

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ginawan ng ebalwasyon ng proseso at produkto ang Honors Program ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ng Pamantasan ng De La Salle noong taong 1991 at 1992. Ininterbiyu ang 59 na kasapi ng 1991 at 1992 Honors Program, 18 gurong nakapagturo sa Honors na klase, at ang mga tagapamahala ng programa upang malaman kung naging matagumpay ang pagsasakatuparan ng programa. Bukod dito, pinag-aralan ang rating ng mga guro sa survey ukol sa kritikal na pag-iisip ng Honors at regular ng estudyante, ang mga marka sa ENGLONE ng 2 Honors block at 2 regular na klase, at ang sagot ng mga kasapi pati ang 59 na regular na estudyanteng nasa listahan ng Dekana sa Social Values Inventory na mula sa Mission Statement Values Inventory. Ito ay upang tignan kung narating ang mga layunin ng programa at kung mas mataas ang mga kasapi kaysa sa mga regular na estudyante sa mga katangiang kritikal na pag-iisip, kakayahang maghayag sa pagsulat, at pagkakaroon ng kahalagahang panlipunan. Ang mga qualitative na resulta ay nagsasaad na hindi gaanong naging matagumpay ang pagsasakatuparan ng programa subalit inaasahan pa ring maipagpapatuloy ang programa pagkaraan itong ayusin at mapabuti. Ang statistikal na pagsusuri ng quantitative na datos ay nagsasaad na ang mga kasapi ng programa ay mas may kakayahang magisip ng kritikal (p=.0017), maghayag sa pagsulat (P91=.0009 P92=.009), at magpamalas ng kahalagahang panlipunan (p=.002) kaysa sa mga regular na estudyante (alpha level =.05). Sa kabuuan, narating ang mga layunin ng programa kaya masasabing naging epektibo ang Honors Program kung ang epetibidad

ng programa ay batay sa kung nakamtan ang tinakdang layon nito. Sa kabilang dako, kung ang epektibidad ng programa ay itutumbas sa tumpak at maayos na pagsasagawa at pagsasakatuparan nito, hindi maipapalagay na naging epektibo ang Honors Program dahil sa mga kahinaan o depektong nakita sa proseso ng pagpili at implementasyon ng programa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06154

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

143 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

De La Salle University--Students; De La Salle University College of Liberal Arts; Universities and Colleges--Honors courses; De La Salle University-- Curricula

This document is currently not available here.

Share

COinS