Isang komparatibong pag-aaral ng epektibidad ng mga mikroekonomikong programa at makroekonomikong patakaran sa pagpapaunlad ng produksyon ng agrikulturang pagtatanim sa Calamba, Laguna

Date of Publication

1993

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Economics

College

Ramon V. Del Rosario College of Business

Department/Unit

Economics

Abstract/Summary

Sa pagpapa-unlad ng isang sektor sa ekonomiya, mayroong dalawang sistema sa pagsasagawa ng mga ito. Ito ay ang Makroekonomikong patakaran at Mikroekonomikong programa. Ang una ay sumasaklaw sa pangkalahatan at ang huli naman ay sa pang maliliit na lugar lamang. Kung kaya't sa pag-aaral na ito, ay sasagutin namin kung gaano kabisa at kaepektibo ang mga ipinasasatupad na mga patakaran at programa sa pagpapa-unlad ng agrikulturang produksyon at pagkatapos ay suriin at ihambing ang mga ito sa sekundaryang estadistika at datos. At sa pamamagitan nito ay titimbangin na natin kung ano sa dalawa ang nakapagbibigay ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan na nasasakupan ng agrikulturang pagtatanim.Upang masagot ang mga layunin na ito, minabuti namin na gumamit na lamang ng survey . Sapagkat ito lamang ang pinakamagandang paraan upang makakuha at makita namin ang direktong epekto ng mga patakaran sa mga taong pumapasailalim sa agrikulturang pagtatanim. Sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan, gumamit kami ng simple-random sampling kung saan makakakuha kami ng sistematiko at analitikong basehan upang malaman kung gaano kadami ang kinakailangang tao para sa nasabing survey. Dito lumabas na 58 ang laki ng kabuuang sample size na gagamitin sa pag-aaral na ito. Bukod pa sa survey, kukuha din kami ng mga sekundaryong estadistika at mga datos upang mabigyan ng suporta ang kanilang mga kasagutan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06040

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

87 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Agriculture--Economic aspects; Agriculture--Philippines--Calamba; Production (Economic theory); Agricultural productivity

This document is currently not available here.

Share

COinS