Ang pagganyak sa pagpapatuloy sa paghahanap-buhay ng mga matatanda ayon sa antas ng kabuhayan: Mga suliranin at pamamaraan sa pagharap
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay tungkol sa tatlumpung (30) matatandang may edad na animnapu (60) pataas na patuloy pa rin sa paghahanap-buhay. Ang mga kalahok ay hinati sa dalawang (2) grupo batay sa kanilang antas ng kabuhayan. Ang unang grupo ay mula sa gitnang antas ng kabuhayan na kung saan ang bawat kalahok ay kailangang kumita ng P 15,000-P29,999. Samantalang ang ikalawang grupo naman ay mula sa mataas na antas ng kabuhayan kung saan P 30,000 pataas ang kanilang kinikita bawat buwan. Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang mga : (a) nag-uudyok sa mga kalahok kung bakit patuloy pa ring silang naghahanap-buhay (b) mga suliraning kanilang nararanasan habang naghahanap-buhay (c) at kung sa papaanong paraan sila nakakaagapay. Natuklasan na ang nangungunang dahilan kung bakit patuloy na naghahanap-buhay ang mga nasa gitnang antas ay sa dahilang malakas pa ang kanilang katawan at isipan. Sa kabilang dako, sa mataas na antas ang dahilan ng kanilang pagpapatuloy ay upang maipagpatuloy nila ang kaalaman at karanasan mula sa sariling negosyo. Ang mga naging suliranin ng mataas na antas ay nakatuon sa negosyo. Samantalang sa gitnang antas ay nakatuon sa pangkalusugan. Sa kabuuan, ang paghahanap-buhay para sa mga matatanda ay maaari maging panlaban sa kalungkutan o anumang klase ng karamdaman na dulot ng pagtanda. Panghuli, ang paghahanap-buhay ay nakapagbibigay din sa kanila ng self-fulfillment.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU08608
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
77 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Aged--Employment; Aged--Economics conditions; Life skills; Self-help techniques
Recommended Citation
Castro, J. A., Enriquez, T., P. T., & Go, D. W. (1997). Ang pagganyak sa pagpapatuloy sa paghahanap-buhay ng mga matatanda ayon sa antas ng kabuhayan: Mga suliranin at pamamaraan sa pagharap. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6210