Ang konsepto ng pambababae at panlalalake
Date of Publication
1995
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pinakamahalagang hangarin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang konsepto ng pambababae at panlalalake sa may asawa at walang asawa. Nakaangkop din sa konsiderasyon ang mga sumusunod na sanhi: ang mga dahilan kung bakit ginagawa ang ganitong bagay, ang mga manipestasyon na puwedeng makita o maramdaman, ang mga reaksyon sa ganitong kinalabasan at ang mga sitwasyon kung saan tinuturing na pambababae at panlalalake ang isang pangyayari. Para lalong mapabuti ang pag-aaral, ang mga sumusunod na dimensyon ay isinama. Ang mga ito ay ang sumusunod: Beheybyoral, Emosyonal, Kognitibo at ang kombinasyon ng mga ito. Sa deskiptibong pag-aaral na ito ay gumamit ang mga mananaliksik ng pagtatanong-tanong. Ang mga datos ay nasuri sa pamamagitan ng kontent analisis. Ang resulta ay nagpapatunay na may kaibahan ang konsepto na pambababae para sa mga may asawa at walang asawa. Para sa may asawa, ang kanyang dahilan ay mas nakapokus sa problema ng buhay mag-asawa, ang mga pagkukulang, mga pananaw sa buhay at ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa isa't-isa. Samantalang, para sa walang asawa, ang pambababae ay isang paraan upang mapatunayan ang kanilang mga sarili na sila ay totoong lalake, upang mabigyan ng satispaksyon ang sarili. Para naman sa mga dahilan ng mga babaeng may asawa at walang asawa kung bakit sila nanlalalake, ay dahil sa gusto nilang gumanti sa kanilang asawa o nobyo man at dahil din sa galit na kanilang naramdaman. Ngunit ang panlalalake ng may asawa ay base sa problemang marital, ang sa walang asawa naman ay may halong kuryusidad at kagustuhang maramdaman ang ganitong gawain.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07224
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
69 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Adultery; Married people; Husbands; Marital separation; Married women; Single people
Recommended Citation
Dy, G., Ng, T., & So, A. (1995). Ang konsepto ng pambababae at panlalalake. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6189