Pagpapadasal ng may bayad: Proseso at pananaw ng mga nagpapadasal at mandarasal kaugnay ng pagpapadasal ng may bayad

Date of Publication

2007

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Melissa Lopez-Reyes

Defense Panel Member

Andrrea Tirazona

Abstract/Summary

Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang phenomenon ng pagpapadasal ng may bayad sapagkat isa itong relihiyosog kaugalian ng mga Pilipino na maaaring sumalamin sa mga pag-iisip at mga paniniwala nila. Inilarawan at sinuri ng pag-aaral na ito ang phenomenon ng pagpapadasal ng may bayad sa pamamagitan ng paghahambing nito sa dasal na walang bayad. Inilalahad ng mga mananaliksik ang proseso ng pagdadasal ng may bayad kaugnay ng dasal na walang bayad ayon sa impormasyon na ibibigay ng mga mandarasal na walang bayad, mandarasal na may bayad at nagpapadasal. Inalam din ang mga pananaw ng mga kalahok ukol sa Diyos, dasal, rellihiyon at kapwa. Ang mga nabangggit na pananaw ng mga kalahok ay inihambing sa isa't isa. Ito ay ginawa upang malaman kung ang mga nasabing pananaw ay mayroong kaugnayan sa mga pananaw ng kalahok sa pagpapadasal na may bayad, pagpapadasal na walang bayad at pagdadasal. Isang esploratoryong paglalarawan ang pag-aaral na ito. Kinalahukan ng 21 na tao ang pag-aaral, na bumuo sa mga grupo ng mga mandarasal na may bayad, mandarasal na walang bayad at mga nagpapadasal. Sa pagkuha ng mga kalahok ay purposive sampling ang ginamit sapagkat mayroong mga napagkasunduang batayan ang mga mananaliksik kung sino ang makakalahok. Interbyu and metodo na ginamit ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga kalahok. Sa pagaanalisa ng datos na nakalap ay ginamitan ng content analysis. Napag alaman na mayroong mahalagang pagkakaiba ang saloobin, dahilan, intension at pananaw sa Diyos, dasal, relihiyon at kapwa ang tatlong grupong kalahok. At ang mga pagkakaibang ito ay nakakaimpluwensiya kung bakit sila nagpapadasal ng may bayad.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU13386

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

120 leaves, 28 cm.

Keywords

Prayers; Prayers—Economic aspects

Embargo Period

4-15-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS