Mapanukso: Isang pag-aaral sa pamagat ng mga pelikulang seks sa Pilipinas gamit ang semantikong pagdulog
Date of Publication
2006
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
South and Southeast Asian Languages and Societies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores Taylan
Defense Panel Member
Josefina Mangahis
Ruby F. Alunen
Abstract/Summary
Isang pag-aaral ito patungkol sa pamagat ng mga pelikulang seks sa Pilipinas mula taong 2000 hanggang 2005. Nilayon ng pag-aaral na bigyang pagpapakahulugan ang pamagat ng mga pelikulang seks gamit ang semantikong pagdulog. Binigyang katuturan ang kahulugan ng mga pamagat ayon sa kategoryang kinabibilangan nila sa pamamagitan ng konseptong pinag-haharian nila.
Sa resulta ng pag-aaral, nabigyan ng pagpapakahulugan ang mga pamagat sa tulong ng kalidad, intensidad, at kategorisasyon na pinagmulan ng mga salita sa isang pamagat bilang parte ng pagdulog na ginamit. Nabigyan ng labing-anim na kategorya ang mga pamagat at isang talaan ng buong pelikula bilang pagpapatunay na nasakop ngang pag-aralan ang bawat isa. Ang mga natuklasang kategorya ay ang damdamin, trabaho, relasyon, pagkain, katangian, aksyon, bagay, hayop, pangalan, panahon, lugar, katawan, midya, letra/numero, idyoma, at bansag.
Pinatunayan ng mga nabigyang kahulugan na mga pamagat na sadyang malawak at masining ang wikang Filipino at ang salitang ginagamit natin kung kaya mahirap na sukatin kung hanggang saan pa hihigit ito. Pinakikilos ng wika ang bawat galaw at pag-iisp ng tao ayon sa kontexto at konseptong kinabibilangan nito."
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14911
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
vi, 97, [46] leaves, illustrations, 28 cm.
Keywords
Titles of motion pictures; Sex in motion pictures; Semantics
Recommended Citation
Jimena, F. D., & Malunes, C. V. (2006). Mapanukso: Isang pag-aaral sa pamagat ng mga pelikulang seks sa Pilipinas gamit ang semantikong pagdulog. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5064
Embargo Period
3-29-2021