Ang Papa ko ... may papa!!!: Karanasan ng anak na lalaki sa pagtuklas at pagtanggap sa amang homosekswal
Date of Publication
1999
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ito ay isang deskriptibong pag-aaral na naglalayong isalarawan at magbigay buod sa karanasan ng anak na lalaki sa pagtuklas at pagtanggap sa pagiging homosekswal ng ama sa kontekstong Pilipino. Malalimang pakikipagpanayam ang metodong ginamit upang makalap ang datos. Sampung lalaking may amang homosekswal na nakuha sa pamamagitan ng purposive sampling at chain referral ang mga kumalahok. Ito ay isang case analysis o pagsusuri ng kaso ng piling kalahok. Dahil dito, nakabuo ng balangkas hinggil sa proseso ng pagtanggap sa amang homosekswal. Natuklasan na dumadaan sa pagtataka, pagkasakit ng kalooban, at pakikipagtawaran ang anak bago niya matanggap ang ama niyang homosekswal. Nakaimpluwensiya din ang mga negatibong pananaw ukol sa homosekswal sa pagtanggap sa amang at ang relasyon ng mag-ama ay hindi nagbago matapos malaman at matuklasan ang tunay na sekswalidad ng ama.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09242
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
123 leaves ; Computer printout
Keywords
Gay parents; Gay-parent families; Children of gay parents
Recommended Citation
Dee, G. M., & Paredes, P. J. (1999). Ang Papa ko ... may papa!!!: Karanasan ng anak na lalaki sa pagtuklas at pagtanggap sa amang homosekswal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/4457
Embargo Period
2-2-2021