Huli na o hindi na?: Mga babaeng huli nang nag-asawa o hindi pa nag-aasawa dahil sa propesyon
Date of Publication
2000
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Nais matukoy sa pag-aaral na ito kung ano sa propesyon ang idinadahilan ng mga babaeng propesyonal sa pagpapaliban ng kanilang pag-aasawa. Inalam din sa pag-aaral ang mga batayan ng mga babaeng propesyonal sa kanilang desisyon. Disenyong descriptive ang ginamit sa pag-aaral na ito. Binubuo ng 18 kalahok ang pag-aaral, 9 na babaeng propesyonal na nag-asawa nang nasa edad na 30 pataas, at 9 na babaeng propesyonal na nasa edad 30-40 na wala pang asawa. Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Pakikipagkwentuhan ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral kung saan ay may gabay na ginamit para rito. Napag-alaman na ang idinadahilan sa propesyon sa pagpapaliban ng pag-aasawa ay ang pagkakamit ng mga pansariling mithiin at maging ang mga materyal na bagay mula rito. Ginagawang batayan naman sa kanilang pagpapaliban ng pag-aasawa ang kanilang pagkakaroon ng mithiin, pagiging stable, pagkakaroon ng seguridad sa buhay, at pagiging handa sa pagharap sa buhay may-asawa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09475
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
86 leaves ; Computer printout
Keywords
Single women--Psychology; Women professional employees--Psychology
Recommended Citation
Colobong, M., & Molino, M. (2000). Huli na o hindi na?: Mga babaeng huli nang nag-asawa o hindi pa nag-aasawa dahil sa propesyon. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/4409
Embargo Period
2-2-2021