Angat si misis, paano si mister?: Isang pag-aaral sa karanasan ng mga mag-asawa

Date of Publication

2000

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng masusing pagsasalaysay sa mga roles, suliranin, benepisyong nakukuha, at mga salik na nagpapanatili sa pagsasama ng mga mag-asawang nasa ika-lima o ika-anim na yugto ng kanilang pagsasama at nakakikitaan ng WASP pattern. Exploratoryo ang disenyo at pakikipanayam ang ginamit na metodo para sa pagkalap ng mga datos. Bumuo ng isang semi-structured na gabay na katanungan upang makakuha ng karampatang mga impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral. Ang siyam na kalahok ay nahanap sa pamamagitan ng pagtatanung-tanong sa mga malapit na kakilala. Sa pag-aanalisa ng mga kaso, napag-alamang ang karaniwang suliranin ng mga mag-asawa ay mahahati sa mga kategoryang pinansyal, pananaw, pakiramdam, oras, anak, at bisyo o ugali. Karaniwan sa mga kaso na ang mga asawang babae ay may multiple roles gaya ng gawaing bahay, at pangangalaga sa mga anak. Para naman sa mga kalalakihan, pangkaraniwan ang pagkakaroon ng mga tungkuling tradisyonal na pambabae. Sa mga benepisyong nakalap mula sa pananaliksik, may apat na kategoryang nabuo at ang mga ito ay ang availability, praktikalidad, pansariling kaunlaran, at magandang samahan. Huli sa lahat, nakita rin sa mga datos na ang mga salik na nagpapanatili sa pagsasama ng mga mag-asawa ay mahahati sa mga kategorya ng pakikitungo, ugali, at mga pinapahalagahan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09474

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

151 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS