Ang sariling-pagkakakilanlan ng mga Pilipinong labintaunin sa mga piling mababa at mataas na paaralan
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makatugon sa pangangailangan ng mga pag-aaral tungkol sa sariling-pagkakakilanlan. Itong pag-aaral na ito ay tinutugunan ang mga sumusunod na mga katanungan: (1) Ano ang sariling-pagkakakilanlan. Itong pag-aaral na ito ay tinutugunan ang mga sumusunod na mga katanungan: (1) Ano ang sariling-pagkakalilanlan ng mga dalaga na nasa ika-limang baitang hanggang pangalawang antas ng mataas na paaralan? (2) Ano ang sariling-pagkakakilanlan ng isang binata na nasa ika-limang baitang hanggang pangalawang antas ng mataas na paaralan? (3) Ano ang mga aspeto na nagbibigay-daan sa pagbuo ng sariling-pagkakakilanlan ng mga dalaga na nasa ika-limang baitang hanggang pangalawang antas ng mataas na paaralan? (4) Ano ang mga aspeto na nagbibigay-daan sa pagbuo ng sariling-pagkakakilanlan ng mga binata na nasa ika-limang baitang hanggang pangalawang antas ng mataas na paaralan? Ang disenyong ginamit sa pag-aaral ay disenyong diskriptibo (descriptive research design). May kabuuang bilang na siyamnapu't anim (96) ang mga kalahok. Ang mga kalahok ay mula sa paaralang San Isidro at La Salle Antipolo na kapwa mga pribadong paaralan. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga gabay na mga katanungan para sa isinagawang Group Interview. Sa pagpili ng mga kalahok, gumamit ang mga mananaliksik ng fish bowl technique para sa random sampling. Naging iba-iba ang naging kasagutan ng mga kalahok sa pagkakaroon nila ng gustong maging trabaho o kunin na kurso sa hinaharap. Ngunit madalas na naging katugunan ang mga sumusunod na kurso: Medicine, Computer Science, Engineering at Mass Communication. Ang mga nakaimpluwensya naman sa kanila upang kunin ito ay ang mga sumusunod: magulang, pamilya, kaibigan, at lipunan. Karamihan din naman sa kanila ay nakapagdesisyon ayon lamang sa sariling kagustuhan. Ang mga papel nila sa buhay ay halos iisa lamang at ito ang makatapos at makatulong sa mga magulang balang araw. Karamihan naman din sa kanila ay nakapag-sabi na sila ay isang binata at dalaga na. Ang k
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07226
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
80 leaves ; Computer printout
Keywords
Self-perception; Students—Psychology
Recommended Citation
Florendo, C., & Flores, I. D. (1996). Ang sariling-pagkakakilanlan ng mga Pilipinong labintaunin sa mga piling mababa at mataas na paaralan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/3708
Embargo Period
1-18-2021