Isang pagsusuri sa mga estratihiyang ginamit ni Jose Acuzar sa pagbuo ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng heritage conservation
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Dolroes R. Taylan
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Ang tesis na ito ay patungkol sa mga lumang bahay o heritage houses na makikita sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan. Ang mga lumang bahay na matatagpuan dito ay nagmula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Ang pangunahing layunin ng may-ari na si Architect Jose Rizalino Acuzar ay pangalagaan, protektahan, at panatilihin ang mga tinatawag na heritage houses ng bansa. Ngunit may ilang tao na hindi sumasang-ayon sa paraan ng pangangalaga nito sa mga lumang bahay. Sa tesis na ito, sinuri ang apat na estratihiya ni Acuzar sa pagbuo ng Las Casas lalo't pa na patuloy ang paggiba at paglipat sa mga lumang bahay.
Sa pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito, nagkaroon ng field work sa mismong lugar at archival research na nakatulong sa pagkakaroon ng tamang kasagutan sa suliranin ng tesis na ito. Kaugnay rito, nakabuo ng apat na estratihiya ni Acuzar mula sa nakuhang impormsyon sa archival research at field work. Gamit ang batas na naglalaman ng polisya tungkol sa pamana o heritage at internasyonal charters, nasuri na may mga paglabag ang estratihiya ni Acuzar ngunit may ilan din naman ang sinunod sa prinsipyo ng heritage conservation. Naniniwala ang mananaliksik na makabuluhan at napapanahon gawan ng pag-aaral ang mga heritage sa bansa dahil kadalasan naisasawalang-bahala na lamang ito ng karamihan na hindi nakikita ang kahalagahan nito sa bansa at sa identidad ng isang indibidwal.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19465
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 volume (various pagings) ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Buildings--Philippines; Historic sites--Philippines; Historic buildings--Philippines; Historical markers-- Philippines
Recommended Citation
Lopez, H. R. (2016). Isang pagsusuri sa mga estratihiyang ginamit ni Jose Acuzar sa pagbuo ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng heritage conservation. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2882