Alyenadong pasahero, represibong transportasyon: Ang pang-aabuso ng LRT Line 1 sa manggagawang Pilipino
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Economics
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
David Michael M San Juan
Dolores Lhai R Taylan
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Ang aralin na ito ay nagnais patunayan ang mga pang-aabusong hinaharap ng isang manggawang mananakay sa pagsakay nito sa LRT Line 1 patungo at paguwi sa kanyang opisina o lugar na pinagtratrabahuhan. Ang LRT Line 1 ay hindi bago sa talaan ng balita. Ito'y kadalasang nababalita ukol sa pagkasira nito. Kung tutuusin ay matandang arnamento ng lipunan ang LRT Line 1. Ito'y itinaguyod pa noong 1984 sa panahon ng pamumuno ni dating presidenteng Ferdinand Marcos. Nagkaroon na ng pagbabago ang sistema tulad ng mga ekstensyon at pagdagdag o pagkabawas sa mga tren na bumibiyahe dito. Sa kasalukuyang panahon, ito naman ay humaharap sa mga alegasyon tulad ng hindi wastong pagtaaas nito ng pamasahe at ang pagbabago-bago nito ng mga tagapangasiwa. Ito ang mga nais pagtuunan ng pansin ng manunulat upang buo nitong mapatunayan ang mga pang-aabuso ng sistemang LRT Line 1 sa mga pasahero nito.
Kabilang sa talakayan ang mga panayam mula sa mga manggawang pasahero ng LRT line 1. Sila ang punong paksa ng aralin na ito at pagtuunan ng pansin ng pananaliksik ang kanilang mga naging karanasan bilang mga pasahero ng linya. Bibigyan halaga ang mga panayam dahil ito ay ang katotohan ukol sa mga karanasan ng mga pasahero sa LRT Line 1 at ang mga epekto ng pagsakay dito sa kanilang mga trabaho. Ang ilan sa mga karanasan ay ang pagka-late sa trabaho na rumeresulta sa iba't ibang suliranin tulad ng pagkakabawas ng sweldo na naranasan ng ilan sa mga nakuhanan ng panayam. Kabilang din sa datos ang mga lathain ng LRTA at DOTC ukol sa kanilang operasyopn at pamamalakad sa linya. Ito'y nakalap mula sa transparency server na matatagpuan sa lrta.gov. Naging matinding proseso ang pag-aaral sa mga datos na nakalap upang buong matuklasan kung mayroon ngang pang-aabusong nagaganap sa pagitan ng LRT Line 1 at sa mga mangagawang pasahero nito.
Ang konklusyon na makukuha ay batay sa sumatutal na resulta ng pagsusuri sa mga datos na nakalap mula sa pananaliksik. Masusing inaral ng manunulat ang mga datos na ito at siniguradong hindi lalabis o kukulang ang mga mahalagang impormasyon naaambag sa pagtukoy sa sagot sa mga pangunahing suliranin ng aralin. Minabuti rin ng manunulat na gawin ispesipiko ang mga pagkalap sa datos. Sa paraang ito, sinisigurado ng mag-aral na tumpak ang mga katanungnag ibibigay sa mga mapipiling tagapanayam at eksaskto ang isasagot ng mga ito sa pagsagot sa mga katanungan. Sa datos naman na mula sa websayt ng LRT, masusing sinuri ng manunulat ang mga numerong kabilang sa procurement at mga gastusin ng LRT Line 1. Ang mga ito ay mula mismo sa mga opsiyales ng LRT Line 1 na bukas sa pagbababsa ng publiko.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19450
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
198 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Street-railroads--Philippines--Manila; Urban transportation--Philippines--Manila; Light Rail Transit (LRT); Transportation--Philippines--Manila
Recommended Citation
Tejada, J. (2016). Alyenadong pasahero, represibong transportasyon: Ang pang-aabuso ng LRT Line 1 sa manggagawang Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2876