Pagbungkaras: Ang kultura ng pagbangon ng kabataang Malinaonon pagkatapos ng kalamidad sa Brgy. Baybay, Malinao, Albay
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Mass Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Alona Ardales-Jumaquio
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Joel O. Orellana
Rowell D. Madula
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Isang mahalagang usapin ang kalamidad lalo na sa bansang Pilipinas dahil madalas itong tamaan ng malalakas na bagyo at baha. Isa sa mga hindi malilimutang karanasan ng mga Pilipino ang nakaraang supertyphoon Yolanda na tumama sa lupa noong 2013 at lubos na sinalanta nito ang Samar at Leyte. Marami ang mga naghihinagpis na pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay at ang kahirapang makabangon sa unos na ito. Nilayon ng mananaliksik na pagtuunan ng pansin kung paano nga ba bumabangon ang mga Pilipino. Layunin ng tesis na itong sagutin ang mga katanungan sa probinsyang malapit sa kaniyang puso-- ang Bicol. Kabataan ang naging sentro ng pag-aaral na ito dahil itinuturing sila bilang isa sa mga bulnerableng sektor ng lipunan. Mula sa Brgy. Baybay, Malinao, Albay ang mga napiling kalahok na tinaguriang kabataang Malinaonon bilang madalas silang masalanta ng bagyo at baha nagkaroon na sila ng kasanayan sa bawat kalamidad na ito.
Naging kaagapay ng pag-aaral na ito ang Social Vulnerability ni Alexander (2011) upang matukoy ang bulnerabilidad ng pook at kalahok ng pag-aaral. Inisa-isang talakayin ang kalagayan ng mga Baybayano sa aspekto ng (1) Kasaysayan ng Pook (2) Kalagayang pisikal (3) Kalagayang Pangkabuhayan at (4) Kalagayang Pantao na idinagdag mula sa tatlong salik ng teorya ni Alexander. Malaking tulong din ang naibahagi ng teorya ni Jumaquio-Ardales (2015) na K-U-L-T-U-R-A upang unti-unting sagutin ang pangunahing suliraning inihanda para sa pag-aral na ito sa pamamagitan ng tatlong tiyak na suliranin. Gamit ang metodong pakikipagkuwentuhan sa mga kalahok nakalikom ng datos ang mananaliksik. Sa pamamagitan ng content analysis, isa-isang nabigyang-kasagutan ang bawat katanungan sa tesis na ito.
Nalaman ng mananaliksik kung ano nga ba ang kultura ng 'pagbungkaras' ng kabataang Malinaonon pagkatapos ng kalamidad. Hinimay-himay ang pagtalakay sa (1) Pagmalay sa kabataang Malinaonon sa 'pagbugkaras' (2) Pag-uugali ng kabatang Malinaonon sa 'pagbungkaras' at (3) Pagkilos ng kabataang Malinaonon sa 'pagbungkaras'. Naging epektibo ang mga metodong ginamit upang malutas ang suliraning inihanda sa pag-aaral na ito. Dito nabuo ang konsepto ng kabuuang kultura ng pagbangon ng kabataang Malinaonon pagkatapos ng kalamidad, partikular na ang bagyo at baha.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19448
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
xi, 159 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Disaster relief--Philippines--Albay; Youth--Bicol Peninsula (Philippines); Typhoon Haiyan; 2013; Typhoon--Samar Island (Philippines); Typhoons-- Leyte Island (Philippines)
Recommended Citation
Tibor, M. (2016). Pagbungkaras: Ang kultura ng pagbangon ng kabataang Malinaonon pagkatapos ng kalamidad sa Brgy. Baybay, Malinao, Albay. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2875