Ang pagbibigay buhay ng BuzzFeed Philippines sa identidad ng Filipino gamit ang kulturang popular

Date of Publication

2017

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Mass Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Dexter B. Cayanes

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

David Michael San Juan
Debroaha. Anastacio
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Sa kasalukuyang panahon, bahagi ng pang-araw-araw na gawain ng mga tao ang paggamit ng kani-kanilang social networking sites (SNS). Halimbawa na lamang nito ang Facebook. Patungkol ang pag-aaral na ito sa FAcebook page ng BuzzFeed Philippines (BuzzFeed PH) at ang mga artikulo at interactive quiz na kanilang sinusulat at ginagawa. Identidad ng Filipino gamit ang kulturang popular ang layong suriin ng mananaliksik. Bagamat maraming artikulo at interactive quiz mayroon na ang BuzzFeed PH, pumili lamang ang mananaliksik ang sampung artikulo at sampung interactive quiz.

Hinati ng mananaliksik ang mga napiling artikulo at interactive quiz sa tatlong kategorya. Ito ang wika, kultura, at kulturang popular. Malawak ang sakop ng konsepto ng bawat kategorya kaya naman naisip ng mananaliksik na lagyan pa ito ng mga sub na kategorya upang mas maging malinaw ang paghahalo-halo ng mga konsepto. Para sa kategoryang wika, ang iba't ibang gamitng wika sa Pilipinas at teknikal na aspeto ng wikang Filipino ang naging sub na kategorya. Para sa kategoryang kultura, my mga sub na kategorya tulad ng mga magagandang lugar at tanawin sa Pilipinas, mga katangian ng mga Pilipino, kasaysayan ng Pilipinas, at mga kilalang pagkain sa Pilipinas. Para naman sa kategoryang kulturang popular, ang pumapaloob na konsepto ng nostalgia, mga viral post mula sa Facebook at sa Twitter at mga sumisikat na palabas at pelikula sa Pilipinas ang mga sub na kategorya. Naniniwala ang mananaliksik na makatutulong ang pagkategorya sa mga artikulo at interactive quiz upang mas masuri ang nilalaman nito. Nag-iiba ang tema at nilalaman ng BuzzFeed PH depende sa panahon at uso sa bansa. Umiikot ang pokus ng BuzzFeed PH sa kulturang popular, identidad ng Pilipino at konsepto ng nostalgia kaugnay ang diasporang Filipino. Kaya naman malaking salik din ang gamit ng SNS sa pag-aaral sapagkat mula sa Facebook comments at shares ang reaksyong pagbabasihan ng mananaliksik. Napag-sisipan ng mananaliksik na aAcebook ang pagtuunan ng pansin sapagkat ito ang social networking site na pamilyar ang lahat. Sa kasalukuyan, mayroon ng 1.2 na milyong likes ang Facebook page ng BuzzFeed Philippines. Aalamin sa pag-aral a ito ang proseso, nilalaman, at reaksyon ng Pilipinong odyens mula sa Facebook at ang mga kalahok sa Focus Group Discussion sa mga artikulo at interactive quiz ng BuzzFeed PH. Tatalakayin ng mananaliksik ang mga suliranin ng pag-aaral gaya ng prose[s]o, nilalaman o tema at pagtanggap ng Pilipinong odyens sa mga artikulo at interactive quiz.

Gagamitin ang teorya ng Computer Mediated Communication at Media Representation upang suriin ang nilalaman ng mga artikulo at interactive quizzes. Makakatutulong din ito upang maunawaan ng mananaliksik ang epekto ng representasyon sa identidad ng Filipino sa BuzzFeed Philippines. Matatalakay din ang kakaibang estilo ng BuzzFeed PH sa pagsusulat dahil malaking salik din ito sa aliw na naiibibigay sa odyens. Makakapanayam ng mananaliksik ang manunulat at editor ng BuzzFeed PH upang maipaliwanag nang maayos at detalyado ang kanilang proseso sa pagsusulat at pagtingin sa tinatangkilik ng mga user. Nagsagawa rin ang mananaliksik ng Focus Group Discussion sa mga apat na Lasalyano upang makatulong sa pagsusuri ng pagtanggap ng odyens sa nilalaman ng BuzzFeed PH.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19457

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

258 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Online social networks--Philippines; Social networks--Philippines; Social media-- Philippines; Blogs--Philippines; Microblogs--Philippines; BuzzFeed Philippines (BuzzFeed PH)

This document is currently not available here.

Share

COinS