Ang naglalahong sining sa pagguhit at paggupit ng pabalat ng pastillas ayon sa kwentong-buhay ni Nanay Luz Ocampo
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
San Juan, David Michael, PhD.
Defense Panel Chair
Carandang, Ernesto V., II.,PhD
Defense Panel Member
Oblena-Quiore, Lilibeth, Ma.
Correa, Ramilito B., Ma.
Teehankee, Julio C., PhD., dekano.
Abstract/Summary
Tinatalakay sa pananaliksik na ito ang kasaysayan ng pabalat ng pastilaas ayon sa kwentong buhay ng isa sa mga manlilikha nito na si Nanay Luz Ocampo, ayon sa kuwentong buhay ng isa sa mga manlilikha nito na si Nanay Luz Ocampo, mula sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Sa pagsusuring ito, ginamit ang Structural Analysis of Narrative ni Zvetan Todorov upang maayos na mailahad ang naratibo ng kwentong kasaysayan at buhay. Naging pokus ng pananaliksik na ito ang kasalukuyang estado ng dying o endangered art ng paggawa ng pabalat ng pastillas at ang malalim na pagkilala sa isang manlilikha na kilala sa larangang ito. Sa Structural Analysis of Narrative ni Tzvetan Todorov, ginamit ang equilibrium, disequilibrium at new equilibrium sa espesipikong paglalahad ng mga pangyayari sa kasaysayan at kwentong-buhay.
Ayon kay Tzvetan Todorov, ang lahat ng naratibo ay nagsisimula sa isang equilibrium, kung saan tuloy-tuloy ang daloy ng mga kwento, hanggang ito ay mabuwag ng mga pangyayari na gugulo sa kasalukuyang balanse na mayroon sa naratibo. Ito ang magbibigay daan upang matukoy kung ano ang disequilibrium, at anu-ano ang mga nangayayaring magaganap upang matukoy naman ang new equilibrium sa naratibo. Sa kabuuan, ang teroyang naratibo na ito ay umiikot sa pagtukoy ng bawat espesipikong nangyayari na nagdudulot ng panibagong takbo ng kwento.
Ang Culture as Adaptive System ni Roger M. Keesing ay ginamit rin upang suriin ano ang naging buhay ng sining ng pabalat ng pastillas habang lumilipas ang panahon. Ayon sa teoryang ito, ang mga kultura ay umaayon lamang sa kalagayan ng kapaligiran, paraan ng pamumuhay ng mga tao sa panahong iyon pati na rin sa mga paniniwala, teknolohiya, mga ideya, atbp., na laganap at makikita sa mga panahong iyon. Dahil tinuturing nang endangered o dying art ang sining ng pabalat ng pastillas, ang teoryang ito ang naging susi upang malaman kung bakit ito na ang turing sa sining na ito.
Layon ng mananaliksik na magkaroon ng kontribusyon sa pagpupursigi na muling mabuhay, makilala at mabigyan ng espasyo ang sining ng pabalat ng pastillas sa panahon ngayon. Para sa napakaganda, napakaespesyal, napakamakabuluhan at napakahalagang parte ng ating kasaysayan, nakapanghihinayang kung hahayaan na mapag iwanan na ng oras at panahon ang sining ng pabalat ng pastillas at ang Iahat ng nakapaloob dito. Nakakalungkot isipin na ang mga ganitong aspekto ng ating kultura at nasusubukan ang tatag dahil lamang sa kawalan ng interes ng mga Pilipino sa sariling lahi at likha.
Para sa mananaliksik, ang pagbabahagi ng isang piraso lamang ng sining, kultura at kasaysayan, partikular sa pabalat ng pastillas sa probinsya ng Bulakan, at sa mga manlilikha nito, isang importanteng hakbang ang pagaaral na ito dahil ang maiaambag na karunungan at karagdagang interes sa mga magbabasa nito at maaaring magdulot ng kagustuhan na matuto sining ng pabalat ng pastillas o di kaya'y kilalanin lamang ito. Isang simple at maliit na hakbang ang maaaring magdulot ng muling pagkabuhay ng sining, pagdami ng mga magawa nito at pag usbong muli ng kulturang ito. Hindi naman mapagkakaila na hindi lahat ng bagay ay mawawala o mamamatay rin, ngunit sa taglay na yaman ng pabalat ng pastillas, maaari pa siguro itong bigyan ng oras para mabuhay sa ating bansa.
Abstract Format
html
Format
Accession Number
TU19421
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[10], 112 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Package goods industr -- Philippines; Wrapping materials -- Philippines; Folk art -- Philippines
Recommended Citation
Del Carmen, S. (2016). Ang naglalahong sining sa pagguhit at paggupit ng pabalat ng pastillas ayon sa kwentong-buhay ni Nanay Luz Ocampo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2848