Turismo sa literatura: Pagsusuri sa ansestral na bahay ni Magdalena Jalandoni bilang pamanang kultura
Date of Publication
2017
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Economics
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
John Iremil E. Teodoro
Defense Panel Chair
Ramil B. Correa
Ernesto V. Carandang
Defense Panel Member
Lakangiting C. Garcia
Dolores R. Taylan
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Tinatalakay sa tesis na ito ang tungkol sa pagbabagong anyo na nangyari sa ansestral na bahay ni Magdalena Jalandoni sa distrito ng Jaro sa lalawigan Iloilo, at ang naging epekto nito bilang isang pamanang kultura sa turismo at ekonomiya ng nasabing lalawigan. Ginawa ng mananaliksik ang tesis upang masagot ang pangkalahatang katanungan na Ano ang halaga ng pangangalaga ng ansestral na bahay ni Magdalena Jalandoni bilang isang pamanang kultura sa harap ng pagbabago ng ekonomiya ng lungsod ng Iloilo? pati na rin ang tatlong suliranin na sumusunod {1) ano ang kahalagahan ni Magdalena Jaandoni partikular sa kulturang Ilonggo at sa kabuuan ng kulturang Pilipino, (2) bakit mahalagang mapangalagaan ang ansestral na bahay ni Magdalena Jalandoni bilang pamanang kultura, at ang huli, (3) ano amg halaga ng mga pamanang kultrua ng Pilipino sa turismo.
Ginamit ng mananaliksik ang ideya nina Anderson at Robinson na matatagpuan sa kanilang librong Literature and Toursim : Reading and Writing Tourism Texts bilang lente sa pananaliksik na gagawin sa tesis. Ayon sa kanila, mayroon impluwensiya ang literatura sa pagbuo ng iba't ibang mga atraksyong pangturista, na kinalaunan mayroon ding impluwensiya sa kalalabasang pagaakit ng mga tao sa kultural na turismo ng isang lalawigan.
Nakakalap ang mananaliksik ng mga impormasyon na nagbigay ng resulta na sa pagbabagong anyo ng ansestral na bahay ni Jalandoni, hindi malaki ang naging epekto nito sa turismo at ekonomiya ng Iloilo dahil sa pag-unlad ng ekonomiya ng Iloilo, hindi naging pokus ng lalawigan ang kulturang turismo, kundi naging pokus nito ang komersiyalisadong turismo. Nakagawa man ng mga ordinansa ang ilan sa mga mambabatas sa kasalukuyang city government ng Iloilo upang makatulong sa pangangalaga sa pamanag kultura nito, tila naging huli na ang mga ito dahil nabago na ang anyo ng ilan sa mga pamanang kultura ng lalwigan, tulad ng ansestral na bahay Jalandoni.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19433
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[9], 207 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Architecture; Domestic--Philippines--Jaro; Iloilo
Recommended Citation
Alejandrino, M. T. (2017). Turismo sa literatura: Pagsusuri sa ansestral na bahay ni Magdalena Jalandoni bilang pamanang kultura. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2844