Kabiyak ng desaparecidos: Paglalakbay-loob sa Ikid ng walang-katiyakan

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Social and Behavioral Sciences

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell Madula

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang

Defense Panel Member

David Michael San Juan
Alona Ardales-Jumaquio
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Noong panahon ng Batas Miltiar, nagkaroon ng pagsuspinde sa karapatan ng mga tao. Nawala ang writ of habeas corpus o ang karapatan ng tao na maari lamang siyang maaresto kung may sapat na dokumento ang manghuhuli. Dito nagkaroon ng pagdadakip sa mga taong hindi sang ayon sa ganitong paraan. Ang tawag sa mga hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon ay desaparecidos. Nagsimula ang ganitong termino sa ibang bansa ngunit umabot na ito sa Pilipianas dahil sa mga kasakiman na nangyari noong panahon ng Batas Militar.

Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa naging karanasan ng mga asawa ng desaparecidos pagkatapos nilang mawala. Pokus ito sa kanilang paghihinagpis dahil titingnan sa pananaliksik kung paano nga ba nila hinarap ang kanilang paghihinagpis. Gagamiting basehan ang teoryang 5 Stages of Grief ni Elizabeth Kubler Ross para makagawa ng panibagong teoryang mas aakma sa mga asawa ng desaparecidos na hanggang ngayon, wala pa ring nakikitang bangkay ng kanilang asawa. Hindi nila sigurado kung patay na ba ang kanilang asawa o buhay pa.

Makikipanayam ang walong asawa ng desaparecidos para malaman kung ano ang kanilang pinagdaanan at kung paano sila naapektuhan nito. Pati ang epekto sa kanilang mga anak at iba pang kapamilya ay tatalakayin din ng tesis na ito. Bukod dito, tatalakayin din ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng Pilipinas mula Batas Militar hanggang sa kasalukuyan. Dito rin bibigyang pansin ang nangyaring kasakiman noong panahon na may koneksyon sa pagkawala ng mga asawa ng mga nakapanayam.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19428

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[6], 162 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Martial law--Philippines; Habeas corpus-- Philippines; Human rights--Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS