Paghahambing sa parenting style ng mga magulang na Pilipino at magulang na Tsino ng mga estudyanteng babae edad 16-20 sa pamantasang De La Salle-Maynila
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Social and Behavioral Sciences
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores Taylan
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang
Defense Panel Member
Feorillo Petronillo Demetrio, III
Dana Lubang
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para malaman ang pagkakaiba at pagkakatuald ng parenting style ng mga magulang na Tsino at Pilipino sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang mga anak na babae. Ninais malaman ng mananaliksik kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng anak na babae na galing sa pamilyang Pilipino at mula sa pamilyang Tsino. Ang naging pangunahing suliranin ng mananaliksik ay kung ano-ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng parenting style ng magulang na Pilipino at magulang na Tsino sa kanilang anak na babae na may edad na labing-anim hanggan dalawampu at para masagot ang katanungan na ito, nag porma ng tatlong tiyak na katanungan para mas maging malinaw ang resulta. Sinagot ang mga katanungan pamamaraan ng disiplina at pag-alaga ng mga magulang na Pilipino at Tsino ang mga anak ang mga pinahahalagahan o binibigyang-importansya ng mga magulang na Pilipino at mula sa parenting style an ito ng mga magulang, ang mga masasabing karanasan ng mga anak mula rito. Nagpokus ang pag-aaral sa Pamantasang De La Salle sa edad 16-20 at kumuha ng 30 na makakapanayam-- 15 na babaeng Pilipino at 15 na Tsino.
Naging mahalaga na purong Tsino at purong Pilipino ang mga magulang ng mga anak na nakapanayam dahil isang salik ang pinanggalingan, kultura, at nakagisnang pamamaraan ng pamumuhay ang parenting style ng mga ito. Ginamit ang teoryang penomenolohiya para sa pabibigay analisis sa mga resulta ng nakapanayam. Sa pagpapaliwanang ng karanasan ng mga nakapanayam, sinundan ang istruktura ng penomenolohikal na pag-aaral kung saan nagbigay ng introduksyon o pag-uulat ng problema at mga katanungan nagbigay ng pamamaraan ng pananaliksik o pagkolekta ng datos, analisis, at resulta pagbibigay ng mga makabuluhang pahayag mga kahulugan ng mga pahayag tema ng mga pahayag at detalyadong deskripsyon ng penomena.
Sa pag-aaral na nagawa, maraming aspekto ng parenting style ng Pilipino at Tsino ang nagkakatugma, ngunit ang pagpapatupad ng pagdidisiplina ng ilan ay nagkakaiba-- lumitaw na sa mga aspektong kapag lumalabag sa patakaran sa bahay, pag-aaral, paghahawak ng pera, relihiyon, pag-ibig, at pagtatrabaho/tulong sa magulang ang mga aspektong pinaka malaki ang pagkakaiba ng dalawang grupo mula sa pamamaraan ng pagpapalaki ng magulang sa anak. Sa kabilang banda, ang pamamaraan ng pananamit, kalusugan, pagpili ng karera/kurso, at pagsasarili ay nagkakatugma ang dalawang grupo.
Makapagtapos, makapagtrabaho, makakarelasyon/mapapangasawa, kalusugan, matutong magsarili ang mga anak, at pagbibigay kahalagahan sa pananampalataya ay tinuturing ring mga aspektong parehong pinahahalagahan ng mga magulang at hindi nagkakalayo ang parenting style, habang ang pagkakaiba naman sa dalawang grupo ay ang mga Tsino na nagbibigay importansya sa magiging negosyo ng kanilang anak sa hinaharap.
Para sa mga nasabing karanasan ng mga nakapanayam, nasabi ng dalawang grupo na parehong humubog sa kanilang pagkatao ang parenting style parehong naghahangad ng mas malapit na relasyon sa kanilang magulang ang mga anak at mayroong mga nabanggit na gagayahin at hindi gagayahin ang parenting style nila sa hinaharap. Natagpuan rin na ang pagkakaroon ng mahigpit o maluwag na parenting style ay mayroong salik sa pagkakaroon ng malapit o malayong relasyon ng anak sa kanilang magulang. Ang pagkakaroon ng sarado ng isip ng magulang ay humadlang sa pagkakaroon ng mas maganda at malapit na relasyon sa pagitan ng anak at magulang, at ang pagkakaroon ng open na komunikasyon ay nagdudulot ng positibong relasyon sa pagitan ng dalawa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19422
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
199 leaves ; illustrations ; 28 cm.
Keywords
Parenting--Cross-cultural studies; Parenting-- Philippines; Parent and child--Philippines
Recommended Citation
Del Rosario, A. (2016). Paghahambing sa parenting style ng mga magulang na Pilipino at magulang na Tsino ng mga estudyanteng babae edad 16-20 sa pamantasang De La Salle-Maynila. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2835