Buhay condo: Isang deskriptibong pag-aaral sa pamumuhay ng mga Pilipino sa condominium
Date of Publication
2015
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Organizational Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores R. Taylan
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Ma. Rita R. Aranda
Abstract/Summary
Nakatuon ang tesis na ito sa nagiging uri ng pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino sa loob ng condominium. Kung susuriin at titingnang mabuti, iba ang inihahaing uri ng pamumuhay ng paninirahan sa condominium mula sa itsura nito sa panlabas at panloob na aspekto. Hindi maikakaila na marami nang naninirahang pamilyang Pilipino sa ganitong uri ng tahanan. Iba't iba ang kanilang kadahilan kung bakit mas pinili o ginusto nilang manirahan dito.
Kumuha ng mga patakaran at regulasyon ang mananaliksik sa iba't ibang developer ng condominium para alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga patakaran at regulasyon. Ang mga patakaran at regulasyong ito rin ang sinuri ng mananaliksik upang malaman kung paano binabago ng mga ito ang pamumuhay ng pamilyang Pilipino. Nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik sa mga taong naninirahan sa mga condominium sa mga kasangkot na developer upang malaman kung nasusunod ba ang mga patakarang ito at para din malaman kung may pagbabago ba sa kanilang pamumuhay.
Layunin ng mananaliksik na malaman kung may transisyon o pagbabago sa pamumuhay ng Pilipino dahil sa mga patakarang itinatakda ng mga developer ng condominium. Hindi man ito napapansin sa o nararamdaman ngunit habang tumatagal, nababago ang pamumuhay ng pamilyang Pilipino sa pagtira sa condominium. Kung tutuusin, nagbayad ng malaki ang Pilipino para sa kakapiranggot na espasyo at maraming pangangailangan ang condominium sa taong naninirahan sa condominium.
Ang mga patakaran at regulasyon ang nagbabago sa pamumuhay ng tao, maliit man o malaki ang nagiging pagbabago, iniiba at inilalayo nito ang karaniwang nakagawian ng pamilyang Pilipino sa kanyang nakasanayang tahanan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21446
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
194 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Condominiums--Philippines; Lifestyles-- Philippines
Recommended Citation
Piguing, J. (2015). Buhay condo: Isang deskriptibong pag-aaral sa pamumuhay ng mga Pilipino sa condominium. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2775