Tamba(ha)yan: Isang pagdadalumat sa mga computer shops bilang ikatlong tahanan ng kabataang Filipino batay sa teoriyang third place ni Ray Oldenburg

Date of Publication

2015

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Communication Technology and New Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel E. Buban-Sison

Defense Panel Member

Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Sa paglipas ng panahon, nagsusulputan ang mga teknolohiyang lubusang nakatutulong sa sangkatauhan. Isa sa mga teknolohiyang iyan ay ang computer, na noon ay isang makinang pampagaan ng trabaho ng tao ang natatanging layunin. Ngunit ngayon, may ibang gampanin ang mga kompyuter bukod sa tradisiyunal nitong papel, at ito ang paghahatid ng libang at bukal ng kasiyahan para sa mga tao. Dahil ito sa tampok nitong kakayahang makapaglagay ng mga laro at programang nakabibigay ng saya sa mga naglalaro nito. Mula rito, nabuo ang konsepto ng mga computer games. kung dati ay Solitaire, Hearts, freecell, Minesweeper lamang ang mga dafault na laro ng isang kompyuter, maaari na ito ngayong dagdagan ng mga larong maaaring ma-install sa pamamagitan ng pag-download sa internet o pagbili ng CD nito. Sa lahat ng iyan, mayroon pa ring isang tanong na lumilitaw: Paano ang mga taong walang akses sa kompyuter? Dahil isang bansang lugmok sa kahirapan ang Pilipinas. Maliit na porsiyento lamang ng populasiyon ang may akses sa mga kompyuter. Kaya anong solusiyon ang maaaring gawin upang magkaroon din ng akses ang mga nasa sektor C at D ng lipunan? Dito ngayon pumapasok sa usapan ang mga computer shops. Ang mga computer shops, na noon ay printing, typing job, scanning, at xerox lang ang mga handog na serbisyo, ngayo'y may mga handog na mga computer games upang makahatak ng mga customer. Sa pagkakaroon ng pagbabago sa nakasanayang gampanin ng computer shop sa lipunan, nakabubuo ito ngayon ng isang komunidad ng mga manlalarong malaki ang ginugugol na oras sa mga lugar na ito. Dito ngayon lumalabas ang paksa ng pag-aaral na kabataang Pilipino sa mga computer shops. Dahil sa madalas nilang pagpunta sa mga computer shops, maaaring ibigay na ang computer shops ay nagiging ikatlong tahanan ng mga kabataang ito (ang tahanan bilang una at ang eskuwela o trabaho bilang ikalawang tahanan). Gamit ang teoriyang Third Place ni Ray oldenburg. Hahanapin ng mananaliksik ang mga salik na nagpapatunay na ang computer shop nga ang nagiging ikatlong tahanan para sa kabataang kakapanaymin niya.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21433

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

211 leaves ; 28 cm.

Keywords

Public spaces; Computer games--Social aspects; Leisure; Community life

This document is currently not available here.

Share

COinS