David versus Goliath: Ang pakikipagtunggali ng Masinag Market laban sa SM Masinag sa Lungsod ng Antipolo
Date of Publication
2013
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Public Relations and Advertising
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Ma. Rita R. Aranda
Defense Panel Member
Ramilito B. Correa
Abstract/Summary
Ang tesis ay tungkol sa pagsusuri ng pagtutunggalian ng Masinag Market at ng SM Masinag sa Lungsod ng Antipolo. Sinusuri ng tesis ang dalawang gusali sa pamamagitan ng archival at etnograpiyang pamamaraan ng pagkalap ng datos. Sa tulong ng pag-oobserba sa dalawang establisyamento at pakikipanayam sa mga manininda't mamimiling nasa loob nito, layuning mabatid ng mananaliksik ang mga kapital at kapangyarihang sangkot sa pagtutunggalian ng Masinag Market at ng SM Masinag gamit ag teoryang kultural ni Pierre Bourdieu.
Sa pananaliksik na ito, dalawang artikulo ang magiging pangunahing tekstong gagamitin ng mananaliksik kabilang na ang artikulong pinamagatang Ang Teoryang kultural ni Pierre Bourdieu ni Feorillo Petronillo Demeterio III at Forms of Capital ni Pierre Bourdieu.
Mula rito, inaasahang masagot ang pangunahing suliranin na: paano nakikipagtunggali ang Masinag Market laban sa SM Masinag gamit ang teoryang kultural ni Pierre Bourdieu? Gayundin, layunin ng mananaliksik na makapagbahagi ng iba pang kapital at kapangyarihang maaring idagdag bukod sa apat na mahahalagang kapital na mungkahi ni Boudieu. Dito mababatid kung sino sa dalawang gusali ang mas nakalalamang sa tunggalian.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21430
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
178 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Business intelligence--Philippines--Antipolo; Competition--Philippines--Antipolo; Strategic planning
Recommended Citation
Liwanag, L. L. (2013). David versus Goliath: Ang pakikipagtunggali ng Masinag Market laban sa SM Masinag sa Lungsod ng Antipolo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2740