Proseso at analisis ng pagsasalin ng Eleven minutes ni Paulo Coelho

Date of Publication

2013

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Comparative Literature

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Raquel E. Buban-Sison

Defense Panel Chair

Marvin R. Reyes

Defense Panel Member

Ramilito B. Correa

Abstract/Summary

Sa ginawang pag-aaral, ginamit ang librong Eleven Minutes ni Paulo Coelho bilang materyal na gagawan ng pagsasalin at analisis sa proseso. Ang librong Eleven Minutes ay salin ni Margaret Jull Costa mula sa orihinal na aklat na Onze Minutos na nasa wikang Potugues. Bago pa man maisagawa ang pag-aaral, binasa at inunawa na ng tagasalin ang libro upang mas maintindihan ang mga impormasyong nilalaman pati na din ang naging daloy ng kwento bago sinimulan ang proseso. Mula sa isinaling 60 pahina ng libro, gumawa ng mga anotasyon ang tagasalin sa mga bahagi lamang sa nobela na may mga mahihirap o problematikong salitang kinaharap na ginagawang batayan ang teorya ni Mildred Larson (Meaning-based translation) at ni Hans Vermeer (Skopos Theory).

Makikita sa ikaapat na kabanata ang talaan o ang presentasyon at analisis ng mga talata mula sa nobela na mababasa ang simulaang, ang salin nito sa tunguhang lenggwahe at ang pagpapaliwanag sa ginawang proseso. Ang kabuuang salin ng 60 pahina ay matatagpuan sa appendix. Dumaan ang proseso ng pagsasalin sa madaming rebisyon tulad ng pagpapakinis ng leggwahe, pagtiyak sa itutumbas na salita at ang pangangailangan ng karagdagang paliwanag sa ibang bahagi ng anotasyon. Kinakailangan ang paulit-ulit na rebisyon upang mapaganda at mapakinis ang salin sa teksto.

Matapos ang rebisyon, dito na sinimulang hugutin ang mga insayt na natuklasan ng tagalin at binigyan ng masinsinang paliwanag. Kasama nito ang kahalagahang nagawa ng dalawang teoryang nabanggit na naging malaking tulong sa paghubog ng isang magandang proseso ng salin, mga wastong pag-aangkop ng salita, pagbibigay-konsiderasyon sa saling-baybay at ang paglilimita sa panghihiram ng salita. Sa tulong ng mga pag-aaral at sa mga insayt na natuklasan, ito ang magsisilbing ambag sa literatura at pagpapaunlad hindi lang sa wika ngunit pati na din sa pag-aaral sa pagsasalin mula sa Ingles patungo sa wikang Filipino. Inaasahan din na magsisilbing gabay ang pag-aaral at analisis sa proseso sa mga susunod pang henerasyon na nagbabalak magsimula ng kanilang sariling pananaliksik sa pagsasaling-wika.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21428

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

199 leaves ; 28 cm.

Keywords

Translating and interpreting; Literature-- Translations

This document is currently not available here.

Share

COinS